Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricky Davao, Laplap-Paa Queen

KUNG si Yayo Aguila na ang New Laplap Queen, mayroon ding  Laplap-Paa Queen.

At ‘yon ay walang iba kundi si Ricky Davao. ‘Yung kalaplapan ni Yayo sa FuccBois na si Royce Cabrera ay isa sa dalawang batang aktor sa  pelikula na ang mga paa ay hinahalik-halikan, dinila-dilaan ni Ricky sa istorya.

Si Ricky ang gay lover ng dalawang sex workers sa pelikula. Tagong-bading siya na isang politician. Ang fetish (kakaibang hilig gawin na bahagi ng pakikipag-sex) ng bading ay manghalik at mandila ng paa.

August last year pa namin napanood ang Fuccbois bilang isa sa entries sa 2019 Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines, kaya ‘di namin gaanong maalala kung nakita ng character ni Ricky ang pakikipaglaplapan ni Yayo kay Ace (Royce) sa isang sulok ng gay bar na kasali sa isang Mr. Galaxy contest si Royce. Umabot ng halos limang minuto ang tuloy-tuloy na laplapan na ‘yon.

Posibleng ang pagkakakita ng bading na politician sa laplapan na ‘yon ang nagbunsod sa kanya na maka-sex noong gabi ring ‘yon si Ace at ang kaibigan n’yang si Miko (Kokoy de Santos).

Dahil VIP customer ang bading na politician, may espesyal na puwesto siya sa gay bar na ‘yon para ‘di siya makita nino man pero kitang-kita n’ya ang entablado na kung saan nagaganap ang contest para sa Mr. Galaxy.

Ni sina Ace at Miko ay ‘di alam na napapanood sila sa entablado ng politician na “closet queen.” Pero kilala nila ang politician dahil naging kostumer na nila ito minsan. Ayaw na nilang umulit dahil nabigla sila na sa halip na makipagtalik ito sa kanilang dalawa, silang dalawa ang pinagtalik at kinunan pa ng video ang pagtatalik nila.

Nakagawa ng paraan ang tusong matandang bading na sumama sa kanya ang dalawa sa vacation house n’ya sa isang isla.

Sa malapad na kama sa sosyal na kuwarto ng politician sila magtatalik –at nilaplap ng matanda ang mga paa ng dalawa. Ilang minuto rin ang itinagal nag laplap-paa na ’yon.

O, ‘di ba dapat ding gawaran ng titulong “Laplap-Paa Queen” si Ricky Davao?

Pero mas naalala nga ng mga bading na nakapanood sa internet kamakailan ng pirated copy ng FuccBois ang laplapan nina Yayo at Royce, kaya si Yayo lang ang “ginawaran” nila ng titulo sa social media. May ilang bading na netizens na mas na-turn on sa halikan nina Yayo at Royce kaysa mahabang threesome (tatluhan) sex scenes ni Ricky at ng dalawang batang aktor.

Sa totoo lang, very powerful ang kabuuan ng pelikula hindi dahil sa sex scenes nito kundi dahil sa pagpayag ng mga kabataan na maabuso sila sexually ng mayayaman at makapangyarihan. Nagwagi si Ricky ng best supporting actor sa Cinemalaya 2019 awards night. Si Eduardo Roy Jr. ay nanalong best director.

 

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …