Thursday , December 26 2024

Christine Lim, kapuri-puri ang pagiging matulungin

KAPURI-PURI ang pagiging matulungin ng newbie teen actress na si Christine Lim. Sa gulang na 18 ay naisip niyang tumulong sa mga nangangailangan sa panahon ng krisis na hatid ng COVID-19.

Gamit ang sariling savings na P200,000, nanawagan siya sa Instagram sa naisip na fundraising drive na Lingap-Batang Capasenos (Ayudang Gatas) at nakapagbigay ng 7,500 boxes ng powdered milk.

Binigyan niya ng 2 boxes ng gatas ang bawat pamilyang may mga batang anak na 1-3 year olds sa Capas, Tarlac.

Ang isa pang proyekto ni Christine na talagang kapuri-puri ay ang TENTative Home na nagtayo siya ng hospital tent sa Ospital Ning Capas na mayroong 20 beds, mats, aircon/electric fans, at pillows.

Tumulong din si Tine (nickname ni Christine) para magbigay ng medical supplies sa frontliners tulad ng PPEs, N95 and surgical masks, alcohol, shoe covers, Hazmat suits, safety goggles, at surgical gloves, plus food packs.

Bakit niya naisip na gawin ito? Tugon ng magandang Asterisk talent, “I was inspired by our frontliners, healthworkers, and public servants. And of course, my goal is to become a pro active member of my society. If we have the means to help, help. If we have the chance to inspire others, inspire.

“I have Lingap Bayani Lingap Batang Capaseño (Ayudang Gatas) and TENTative HOME, everything became successful with the use of my savings, and especially the donors, they are the compassionate people with generous hearts who donated cash and in-kind.”

Si Tine ay anak ni Capas Mayor Reynaldo Catacutan, kaya hindi kataka-takang maging matulungin at malapit siya sa masa.

“I really admire my Papa, especially in dedicating his life to serve the Capaseños. I learned a lot from him, from having compassion, having intelligent discernment, sacrificing for the betterment of everyone, up to being fair, and many more.

“My principle in life is that, service to humanity is the best work of life. Always remember, if we have ways to help, do not think twice or thrice, just wholeheartedly extend our arms and help other people. No matter what age, what socio-economic status, and what situation we are dealing with, always help the needy. It is where we could feel genuine happiness,” aniya.

Mapapanood si Tine very soon sa TV series na My Extra Ordinary sa TV5, kabituin sina Enzo Santiago, Darwin Yu, Kamille Filoteo, Karissa Toliongco, EJ Coronel, at Sam Cafranca.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *