Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trike driver nagsauli ng SAP

HUMANGA sa pagiging matapat si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa isang miyembro ng Topas Tricycle Operators & Drivers Association(TODA) matapos isauli ang cash assistance na P8,000 mula sa ayuda ng gobyerno.

 

Ayon kay Danilo Rojas, 44, tricycle driver, nagpasya siyang isauli ang pera dahil nakatanggap na ang kanyang asawa ng P6,500 Social Amelioration Program (SÀP) na nasa General Tinio, Nueva Ecija.

 

“Marami pa sa mga kababayan natin ang mas nangangailangan kaya kusa kong ibinalik agad. Isang maliit na pamamaraan para makatulong na rin ako sa iba,” dahilan ng tricycle driver na si Rojas.

 

Namamasada si Rojas ng kaniyang tricycle sa lugar ng Topas St., at mga kalapit sa Pasay City ay isa rin miyembro ng Pasay Volunteer Fire Brigade kabilang sa benipisaryo ng SAP na nawalan ng hanapbuhay nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na nagbawal sa transport sector na magbiyahe upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Noong 30 Abril 2020 kabilang si Rojas para tanggapin ang kaniyang SAP cash aid nang kusang tanggihan ang ipinamamahagi na P8,000 ng Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD).

 

Ito’y matapos niyang malaman sa kaniyang maybahay na nasa Nueva Ecija kasama ang dalawa nilang anak, na natanggap na noong 26 Abril ang P6,500 SAP.

 

Nasorpresa ang social workers at barangay officials sa pagsauli ni Rojas na hindi nila inaasahan mula sa isang nagmula sa informal sector na tricycle driver.

 

Para paniwalaan siya ipinakita ni Rojas sa social workers ang mga retrato ng pagtanggap ng kaniyang misis ng SAP. Ang pagkuha ng retrato sa bawat benipisaryo ay proseso ng DSWD para matiyak na nakarating ang pera sa nakalistang tao.

 

Nagpasalamat pa si Rojas kay Pangulong Rodrigo Duterte at Pasay Mayor Rubiano sa pagsusumikap na mabigyang tulong ang mga tulad niyang higit na apektado ng krisis dulot ng COVID-19.

 

Pinuri ni Mayor Emi ang ginawa ni Rojas na hindi nagsamantala sa kabila ng kaniyang kalagayan sa buhay.

 

“This noble deed of Mr. Danny Rojas is indeed an inspiration, an uplifting account about a simple man with a pure heart who, despite being affected by the crisis himself, still thought of the situation of other people who are much affected than he is, Mr. Danny Rojas is indeed a gem of a Pasayeño.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …