SA PAGPAPALAWIG sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at sa iba pang high risk areas hanggang 15 Mayo, ang Globe ay nagkakaloob ng free unlimited Internet via GoWiFi sa government designated quarantine areas, residence areas at mas maraming ospital para sa kapakinabangan ng medical frontliners at mga pasyente.
Ang free unlimited GoWiFi ay magiging available sa mga sumusunod na lokasyon until further notice:
DOH quarantine areas World Trade Center, Pasay City; Philsports Arena/Ultra; Quezon Memorial Circle;
Rizal Memorial Stadium;
Additional quarantine area: Francisco Felix Memorial National High School.
Residence areas para sa frontliners: Quarto Residences – Manila; My Rainbow Place – Quezon City;
Victory Fort – BGC; St. Mary’s College; Amoranto Sports Complex; Immaculate Heart of Mary College; Santa Isabel College.
Additional hospitals: Metro Manila — Fe Del Mundo Medical Center; Jose N. Rodriguez Hospital; Las Pinas Hospital; Ospital ng Sampaloc; Philippine Tuberculosis Society Inc. – Quezon Institute; San Lazaro Hospital;
VRP Hospital; World Citi Medical Center.
“There is no greater time than today when Globe can share its mission of doing good for the public and express its solidarity in supporting the government’s call to ensure the health and safety of everyone. As endeavors to flatten the curve have escalated, connectivity in quarantine areas and more hospitals are more critical than ever. By offering free and unlimited connectivity, we hope to boost the unflagging service and commitment of our medical frontliners and government employees,” wika ni Janis Racpan, Director for Digital Solutions Group at Globe.
Ang GoWiFi services ay nagagamit na magmula pa noong 13 Marso sa mga piling medical institutions at supermarkets sa buong bansa bilang suporta sa healthcare frontliners at mga komunidad na naapektohan ng pandemya.
Ang free unli WiFi ay maaari rin ma-access sa NAIA Terminals 1, 2 at 3 sa buong panahon ng extended ECQ.
Nag-deploy ang Globe kamakailan ng Cell Site on Wheels (COW) sa dalawang designated COVID-19 quarantine areas sa Rizal Memorial Stadium (RMS) sa Manila at sa Philippine International Commercial Complex (PICC) Forum sa Pasay City..
Dahil dito, ang medical staff at mga pasyente na nasa RMS at PICC Forum ay mananatiling connected at updated sa pinakabagong ginagawa ng pamahalaan laban sa pandemya.
Para manatiling updated sa pinakabagong kaganapan sa COVID-19, ang Globe mobile at broadband customers ay binigyan ng libreng access sa official websites ng Department of Health (DOH) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/gowifi.html.