Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara, pag-eempake ng mga donasyon ang pinaka-pahinga sa pagbe-bake

KAHIT abala sa kanyang negosyo, hindi kinalilimutan ni Ara Mina ang pagtulong sa mga frontliner.

Kahit may Covid-19, tuloy ang deliveries ng Hazelberry pastries, cupcakes, at cakes na negosyo ni Ara.

In fact, ito ang pinagkaabalahan ni Ara dahil siya ang personal na nagbe-bake ng kanyang mga masasarap na produkto.

Online ito na puwedeng orderin kahit sarado ang Hazelberry Café ni Ara sa Alabang dahil na rin sa extension ng ECQ (Extended Community Quarantine) sa buong Luzon.

In between baking, kapag nagpapahinga ang aktres, kung pahinga ngang matatawag iyon, ay personal din siyang nag-eempake ng mga ipinamimigay niya sa mga frontliner katulong ang anak niyang si Gabrielle.

Sa recent Instagram post nga ni Ara ay sinabi nitong, “Rest day in baking! Done packing coffee, choco drink and milk for kids and seniors today. Thank you to my good friends who donated these who don’t want to be acknowledged. Thank you for your generous heart! Maraming batang matutulungan nito.

“Tuloy pa rin ang pag-help natin hangga’t kaya at hangga’t may mga taong willing mag-share ng kanilang blessings.

”If you want to donate milk and diaper for kids you can message @goodwillheart_foundation.”

Samantala, bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan ngayong May 9, isang fundraiser ang isinasagawa ni Ara para makapag-donate pa ng maraming PPEs (Personal Protection Equipment) sa mga frontliner na tulad ng mga doktor, nurse at marami pang iba.

Nakasaad sa Instagram account ni Ara ang mga sumusunod: PROJECT PPE: A FUNDRAISING TO FIGHT COVID-19 🇵🇭.

“We are grateful for the sacrifices our Filipino frontliners make everyday in battling COVID-19. The lives of these heroes are an inspiration to all of us.

 ”To celebrate my birthday, I’ve started another fund drive in collaboration with PIA GLADYS PEREY, an International Fashion Designer. The project aims to raise funds to produce Personal Protective Equipment (PPE’s) for our medical frontliners.

”Let’s show our love and support by protecting our beloved frontliners❤

 “Sa mga cash donations maaring magdeposito (sa Pilipinas) sa BDO account Pia Gladys Perey (account # 00868 008 2991) o (sa USA) sa [email protected] o sa CashApp $PiaGladysPerey at para naman sa credit card at debit card, mag-log on sa https://www.facebook.com/donate/231835748159643/?fundraiser_source=external_url.”

 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …