Thursday , December 26 2024

Direk Romm Burlat proud sa pelikulang Tutop, bilib sa husay ni Ms. Faye Tangonan

IPINAHAYAG ni Direk Romm Burlat ang kagalakan sa latest international award na nakuha ng kanilang pelikulang Tutop, na kanyang pinagbidahan. Sumungkit ng ilang pagkilala ang naturang pelikula sa Oniros Filmfest sa Italy.

 

Aniya, “Yes, I’m happy at proud ako sa movie namin. Nanalo ang movie namin ng Best Horror Film and Best Supporting Actress for Faye Tangonan. Also, finalist din ito for Best Feature Film and Best Producer.”

 

Siya ang bida at producer ng movie? “Yes ako ang bida rito, major support sina Ron Macapagal at Faye. Ang director ay si Marvin Gabas and this is produced by ROMMantic Entertainment Productions.

“We submitted our film to the festival via FilmFreeway. First they selected 52 semi-finalists from all over the world. Then Finalist 6 na kasama ang Tutop, then award as Best Horror Film.”

 

Pahabol ni Direk Romm, “Ang role ko rito ay si Prensencio, the crazy but loving father of a carnivorous son.”

 

Ano ang reaction niya na kahit baguhan pa lang si Ms. Faye ay nanalo agad siya ng acting award?

 

“Kahit baguhan si Faye, she gave her all for the project. She always ask me on acting tips and how to improve her craft. She listens and learns. She deserves her award,” sambit ng aktor/direktor.

 

Nabanggit pa ni Direk Romm na ito ang pinakamahirap na role na nagampanan niya. “I would admit, it’s the most difficult role I’ve ever done.

 

Nakapapagod physically, mentally, emotionally. Lahat ng klaseng emotions pinaghalo – anger, hatred, love, guilt… At masaya rin ako dahil nominated ako as Best Actor sa Gawad Pelikula Awards along with Dingdong Dantes sa Sid & Aya, Ogie Alcasid sa Kuya Wes, Raymond Bagatsing sa Quezon’s Game, Louise Abuel sa Edward, Dennis Trillo sa Mina-Anud, and Paolo Contis sa Through Night and Day.”

 

Ano ang plano niyang gawin after ng ECQ? “So, uunahin ko ang shoot ng remaining scenes sa Bakit Nasa Huli Ang Simula. Tapos I will continue the Manila scenes of And I Loved Her. Tapos niyan, iyong sensitive drama na Nang Pinulot Ang Pira-Pirasong Pangarap. Tapos ‘yong movie about women empowerment titled Venus In My Mind. It will be followed by the Visayan horror film Ban-Uk, and the romantic comedy, Surrogate,” wika pa ni Direk Romm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *