SA isang interview, ibinahagi ni Arny Ross na apektado rin ng enhanced community quarantine ang wedding preparations nila ng fiancé na si Franklin Banogon. Naka-set silang ikasal sa Disyembre ngayong taon.
Ayon kay Arny, “Buti nga sinet namin siya ng December na, noong January 2020 nag-decide kami ng December na. Kasi nagka-ash fall, ‘di ba? So, sabi namin perfect na ‘yung December, ‘tapos ang na-postpone lang is dapat tapos na ‘yung prenup namin ngayong April. Kaso because of this virus kailangan i-move. I asked the photographer kung kailan puwede or possible, feeling niya mga July na ‘yan.”
Dagdag ng Bubble Gang mainstay, hindi rin natuloy ang meeting nila sa designer ng wedding gown niya. “So far, okay naman ako kahit ma-late na ‘yung prenup, ‘yung planning medyo nai-stop siya kasi like dapat nasa wedding gown na sana kami parang ime-meet na namin ‘yung designer, hindi natuloy.”
RATED R
ni Rommel Gonzales