Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon at Kiko, nagpakilig sa kanilang 24th anniversary

SA gitna ng pag-ikot ng virus na si Covid-19, bawat tao, bawat pamilya ay ginagawa naman ang lahat para pa rin maging normal ang takbo ng kanilang mga buhay. Gaya ng mga pagdiriwang na minsan sa isang taon lang dumarating. Kaarawan o anibersaryo.

Dalawampu’t apat na taon. Hindi perpekto. Pero laging teamwork. Magkasama sa lahat! Sa hirap. Sa ginhawa. Sa saya. Sa intriga. Ang pamilya!

Ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang kanyang Sutart na si Senador Francis Pangilinan ay inabutan ng lockdown at quarantine.

At bilang pangunahing tagahanga ng Koreanovelas, isang ma-drama at pakilig na mensahe ang ipinaabot ni Shawie sa kanyang asawa. Gayundin ang Capt. Ri ng buhay niya.

“Itong asawa ko alam niya si Hyun Bin ang labs ko ngayon kaya sa aming 24th wedding anniversary eto ang message niya sa akin! Hahahahahaha! Happy Anniversary, Sutart. I love you! And salamat po sa lahat ng bumati sa amin sa araw na ito! God bless us all!🏼🏼🏼

  

“At dahil may ECQ imbes na malaking bouquet ng bulaklak ang bigay niya sa akin, CHICHARON BULAKLAK ang nakuha niya!!! Sabi ko ANG SAYA-SAYA KO! PINAKAGUSTO KONG BULAKLAK ITO SA LAHAT NG BULAKLAK NA BINIGAY NIYA SA AKIN! Every year ito na lang sana! Hahahahahaha! Favorite ko ito bata pa ako eh! Thank you for my FLOWERS Sutart! The BEST THIS YEAR! Hahahaha!🏼🏼🏼🥰🥰🥰”

 

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …