Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joey Ayala, nakahabi ng tula ukol sa kalayaan at kasalukuyang sitwasyon

ANG mga artist, pinakakawalan din ang kanilang creative juices. Sa kanta. Sa prosa. Sa tula!

Isa na rito ang mang-aawit mula sa Davao na si Joey Ayala na supling ng isa ring mahusay na manunulat.

Ibinahagi ni Joey ang isang panibagong piyesang hinabi sa panahon ng Covid-19.

“Ang ibon, bow.

 

“Minsan ay napatingala

At sa nakita’y namangha

Nagliliparang nilalang

Malaya at walang hadlang

 

“Kahit saan tumutungo

Pag may harang, nilulukso

Pag may panganib, aalpas

Matulin, tungong paitaas

 

“Sarap siguro’ng maging ganoon

Lipad at awit buong maghapon

Tila anghel, o bathalang

Kapangyariha’y walang hangganan

 

“Subali’t nang muling tingnan

Ay napansin ang kasangkapan

Ang tulis ng tuka’t mata

Ang kapit ng kukong-tinik

 

“Ang dagundong ng pakpak, dibdib

Walang tigil na pagsasagwan

Sa hangin na sinasakyan

Pagka’t kundi gawin ito

Gutom ang kikitil nito

O di kaya’y siya’y masasakop

Sa gutom ng ibang hayop

 

“Hindi pala mapayapa

At lalong di rin malaya

Itong ibong lumilipad

Sa langit.

 

JoeyAyala, 04-26-2020”

Ito pa:

“Minsan ako ay napasyal

Sa Sagada Hospital

Pagka’t nagka pulmoniya ang

Magtatambol kong kasamahan

At nang makarating doon

Sa isip ko “ito na yun!

Saka-sakaling ako ay

Tamaan ng nakamamatay

Na virus o bacterium

Gusto ko rito magkaroon ng room.

Malinis, tahimik, walang pasyente,

Walang may sakit at walang insidente

Sa emergency ward at wala pa ngang guard,

At cool na cool ang mga residente!

 

“At kung palaring ako’y bawian

Ng hiningang inutang lamang

Ang aking dasal hininga’y babayaran

Dito sa Sagada Hospital.

JoeyAyala 04-26-2020

Ano ba ang saad ng tulang hindi malayong maging isang awit. Tungkol sa kalayaan. At sa sitwasyon sa kasalukuyan.

Naisaip niyo rin ba?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …