Thursday , December 26 2024

Aiko, to the rescue kay Marian, ‘di pinalampas ang nanlait na netizen

IPINAGTANGGOL ni Aiko Melendez si Marian Rivera.

 

Kahit kasi marami ang nahusayan kay Marian sa kanyang pagganap (sa pamamagitan ng monologue) bilang si Elsa (ni Nora Aunor sa classic movie na Himala) para sa Gabi ng Himala: Mga Awit at Kuwento na isang online fundraising event ilang araw ang nakalilipas, may isang basher naman ang hindi pinalampas ang pagkakataon na laitin ang First Yaya star at to-the-rescue si Aiko kay Marian!

Sa Instagram account kasi ni Marian ay isa si Aiko sa mga pumuri sa performance ni Marian para sa naturang fundraiser para sa mga no-work, no-pay film workers na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa Covid-19 pandemic.

Ayon kay Aiko, “Ang galing mo and ang galing din ni @dongdantes! ‘Yung intercutting ng present to past and ‘yung pag-explain niya sa eksena napakalinaw.  

 

“Mahusay!!!”

Ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes ang nagdirehe ng naturang monologue ni Marian.

Sa same thread sa IG account pa rin ni Marian ay may isang netizen na bagamat pinuri ang pagka-aktres ni Aiko ay nagkomento na tila hindi ito (netizen) satisfied at hindi nagalingan sa monologue ng Primetime Queen ng GMA.

Rito na ipinagtanggol ni Aiko si Marian at sinagot ang naturang netizen.

“I beg to disagree on your comment. Her attack was more on internal and based on emotions. She gave a different take on that piece which I appreciate kasi yun ang delicate, kapag gagawa ka remake so sa kanya she gave her own take on that scene, which I find great… this is my own opinion, too. Thank you for your compliment on my acting skills that’s why I should know better.  Peace.”

Ayon pa rin kay Aiko, na isang multi-awarde actress, “Marami rin naman akong artistang kaibigan pero hindi ko pinupuri kapag hindi ako nagagalingan talaga. I must say me taste rin naman ako.

“Nagalingan ako kay Marian, opinion ka ‘yan so they must respect it.” 

Sumagot naman si Marian bilang pasasalamat kay Aiko.

 

@aikomelendez: “Salamat, ate! Puro fake account.” #spreadLove 

 

May nagkomento rin na may mga gumagawa talaga ng fake Instagram account para lang i-bash si Marian o ang iba pang mga artista o celebrity.

Sinagot naman ni Aiko si Marian at sinabing, @marianrivera: “I stand by my opinion! You were good and so as Dingdong!” 

Dahil sa nakitang magandang pag-uusap nina Aiko at Marian, ngayon pa lang ay marami ng tagahanga at supporter ang dalawa na nagnanais na magsama sa isang pelikula ang dalawang mahusay na aktres kapag natapos na ang sumpa ng Covid-19  at naging normal na muli ang kapaligiran.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *