Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 Zoren, inenjoy ang paglalaba gamit ang mga paa

GAYA ng karamihan sa atin na stuck at home at hindi makalabas dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, masugid din na tinatrabaho ni Bilangin ang Bituin sa Langit star, Zoren Legaspi ang mga gawaing bahay gaya na lamang ng paglalaba.

 

Pero ibahin n’yo si Zoren dahil imbes na gumamit ng washing machine, old fashion way ng paglalaba gamit ang kanyang mga paa ang paraan ng Kapuso actor.

 

Ayon pa kay Zoren, hindi lang maituturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kundi dagdag exercise na rin. “Old school laba… cardio workout. Hindi porke’t naka-hanger sa cabinet eh malinis na!,” saad ni Zoren.

 

Hindi naman pinalagpas ng netizens na ihalintulad ang paraan ng paglalaba ng aktor sa kanilang mga magulang at lolo’t lola. “Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!”

 

Dahil tigil muna sa taping ang kanilang serye na Bilangin ang Bituin sa Langit, itinutuon ni Zoren ngayon ang kanyang oras sa pagpapa-abot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods katuwang ang asawang si Carmina Villaroel at mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …