Sunday , November 17 2024

Zara Lopez, nadurog ang puso sa mga binigyan ng ayuda

KABILANG si Zara Lopez sa mga taga-showbiz na nakikiisa sa pagbibigay ng tulong o ayuda sa mga nangangailangan na naapektohan nang husto ng lockdown sa Luzon dahil sa COVID-19.

Inusisa namin ang dating Viva Hot Babe na huling napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, kung hindi ba siya nag-aalala na magpunta sa Sampaloc, Manila area na ini-lockdown kamakailan?

Tugon niya, “Honestly, partly po, siyempre nag-alala ka para sa health mo and sa family ko… pero nagdadasal na lang po ako, kami ng pamilya ko na sana sa bawat alis ko at tulong na ibinibigay ko sa mga tao -na sana maging safe ako at iiwas sa sakit na ito.

“Dahil ang hangarin ko lang po talaga ay makatulong sa mga taong nagugutom at nangangailangan.”

Kabilang sa ayudang ipinamigay niya ay bigas, canned goods, noodles, peanut butter, at tinapay.

Nauna rito, namigay din sina Zara ng cooked foods sa mga frontliner.

Esplika ni Zara, “Nadurog ang puso ko nang nakita ko po ang lagay ng ibang mga kababayan po natin. Nanggaling po kasi ako sa hirap, lumaki po akong mahirap, hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya alam ko po ‘yung pakiramdam ng gutom at walang mahugot na pera. Kung ano man po ‘yung nararating ko sa buhay, gusto ko pong lagi na lumingon sa pinanggalingan ko at kabilang na rin po ang makatulong  sa mahihirap. And eto po siguro ‘yung isa sa purpose ko sa mundong ito.”

Idinagdag pa niyang may mga kasama siyang dating Viva Hot Babe na nagbigay din ng ayuda.

“May mga nagbigay din po ng cash donations sa Hot Babes like sina Katya Santos po, Anna Leah Javier na nasa America pa at nagpaabot ng tulong and si Rachelle Villanueva po na dating Viva Hot Babe rin.”

Bakit niya nasabing nadurog ang kanyang puso, nang nagpunta siya sa Sampaloc para magbigay ng tulong?

“Nadudurog ‘yung puso ko, kasi hindi ko ma-imagine na ibang-iba ‘yung buhay nila sa buhay natin na nakaaangat-angat pa rin kahit paano. ‘Yung bahay na nasa ilalim ng tulay, ‘yung nakayuko lang sila pagpasok nila sa bahay dahil hindi ka puwedeng tumayo dahil mababa lang ‘yung sukat ng bahay nila.

“Actually, hindi nga siya bahay talaga kung makikita ninyo nang personal… Pero sa kabila ng hirap nila sa buhay, lumalaban sila at nagagawa pang ngumiti kahit hirap na hirap na.

“Kaya kung papalarin talaga ako at tutulungan ng Panginoon na yumaman, gusto ko pong makatulong pa sa mahihirap, na mabigyan sila ng kahit kaunting ginhawa sa buhay. Sa totoo lang po, napakasuwerte pa rin natin, sobrang masuwerte pa rin po natin.”

Nalaman din namin na sa sobrang awa niya sa mag-asawang matanda na at pagbabasura lang ang ikinabubuhay, binigyan pa ni Zara ng cash para maipambili ng gamot.

Ayon kay Zara, kapag natapos na ang lockdown sa Luzon at puwede nang magtrabahong muli, umaasa siyang may mga bagong projects na darating sa kanya.

“Sa ngayon po na-cancel po lahat ng shows ko this year, kaya hopefully po kapag okay na ang lahat, makakukuha po sana kaagad ulit ng bagong projects. Pero since busy din naman po ako sa business ko, roon po muna ako nakatutok sa ngayon,” nakangiting sambit niya.

Ang tinutukoy ni Zara ay ang kanyang negosyong Sweet Reece’s peanut butter, yema spread, at chocolate spread na talagang kinagigiliwan ng marami niyang mga suki.

Incidentally, open for resellers ang Sweet Reece’s delicious spread. Kaya sa mga gustong magnegosyo, mag-inquire lang sa kanilang FB page.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *