Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine Velasquez, naka-P4.2-M sa isang gabing online concert

IBA talaga kapag Regine Velasquez ang nag-concert. Mapa-entablado o bahay, masa-satisfy ang sinumang manonood sa kanya. Ito ang nangyari sa katatapos ng kanyang birthday concert, ang One Night With Regine noong Sabado ng gabi, April 25.

 

Nagsimula ang online concert niya sa Facebook bandang 8:00 p.m. na kung ilang libo agad  ang tumutok. At bago pa simulant ay nakalikom na siya agad ng P1,450,000 mula sa mga kaibigan at sponsor.

 

Aminado si Regine na kinakabahan siya sa online concert niyang iyon na all throughout eh nakaupo lamang siya. Pero naging maganda pa rin ang paghahatid niya ng magagandang awitin.

 

Simula pa lang overwhelming na ang kinanta niya tulad ng Somewhere Over The Rainbow at With A Smile. At medyo naiyak ang singer/aktres pagkatapos awitin ang Mahal Ko O Mahal Ako dahil nag-donate si Sharon Cuneta ng P1-M. Sobrang na-touch siya sa ginawang ito ng kanyang Ate Sharon.

 

Nakatutuwa ang duet nila ng kanyang anak na si Nate  at ang pinakapaborito naming ay ang duet nila ni Lea Salonga sa awiting I Don’t Know How To Love HimWhat I Did For Love, at Someone Like You.

 

Inabot ng tatlong oras ang concert at sa kabuuan, nakalikom si Regine ng P4,259,839 na ang beneficiary ay ang Bantay Bata 163.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …