Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin
Imelda Papin

Imelda Papin, binatikos!  

BINATIKOS lately si Camarines Sur Vice-Governor Imelda Papin right after na matapos siyang lumabas at kumanta sa music video na “Iisang Dagat.”

Inilabas ito ng Chinese Embassy sa Facebook page at YouTube channel nitong Biyernes, April 24, 2020.

Kasamang umawit sa music video ang Chinese Diplomat na sina Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan, at Chinese actor na si Yubin coming from the Chinese TV series The Untamed.

Isinulat ni Chinese Ambasador Huang Xilian ang Iisang Dagat na nilalayong pagbuklurin ang mga Filipino at Chinese kontra sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

 

Ipinakita rin sa music video ang ilang government officials katulad nina Pangulong Rodrigo Duterte, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at Health Secretary Francisco Duque.

 

Kasama rin sa video ang mga nagdatingang Chinese medical experts at Chinese diplomats.

Dahil sa mga pangyayaring ito, kinuwestiyon ng netizens ang participation ni Imelda Papin rito at nai-connect pa ang pinasikat niyang awiting “Isang Linggong Pag-ibig.”

Some netizens contend that the West Philippine Sea is owned by the Philippines at dapat daw na mahiya si Imelda.

As of presstime, meron lang 1.4 thousand likes ang video at as compared to the number of dislikes that was able to reach 116 thousand.

“Ang title Iisang Dagat para ring isang mundo ‘yan. Bakit i-criticize ang participation ko,” Imelda was qouted to have said in an interview.

Sinabi rin niyang siya raw ay kinuha lamang ng Chinese Embassy upang magbigay-tinig sa kanta.

“Hayaan natin sila, ipagdasal ko na lang. Kasi hindi naman ako nagpresenta.

“Ako mismo ang kinuha… bilang chosen artist ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

“At ang message ng song, awitin ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asa.

“Bakit hindi sila kumibo sa mga tulong na binibigay ng China — doctors, protective equipment etc. Bakit ako?”

Idinagdag pa rin niya na ipagdarasal na lamang niya ang mga taong nega dahil hindi naman daw siya tumanggap ng kaukulang bayad para sa nasabing proyekto.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …