Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhea Tan, nag-donate sa YesPinoy Foundation nina Dingdong at Marian  

WALANG kapaguran sa pagtulong ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan dahil nagpa-auction na naman siya ng kanyang mga branded item para i-donate sa frontliners at sa charity.

 

Base sa FB post ng lady boss ng BeauteDerm, kabilang sa naging beneficiary ng latest auction na tinaguriang Luxury For A Cause ay ang YesPinoy Foundation spearheaded ng mister and misis tandem nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na kilala bilang Face of Beautederm Home.

 

Hinikayat din ni Ms. Rhea ang iba na tumulong, sa kanilang abot ng makakaya.

 

“Ibang proceeds po ng Luxury for A Cause natin ay nai-donate ko na po sa YesPinoy Foundation 😉 Spearheaded by Marian Rivera and DingdongDantes.

Maraming Salamat po sa mga bumili!

I urge everyone to do the same as it does not matter how big or small — giving and knowing that we have made a tiny difference in a person’s life will give us purpose and most importantly, peace and joy beyond reason and logic.

God bless us all 🙏🏼

Yes, this too shall pass.

Will never get tired of saying #YestoLove ❤️ #ContriBeauT ❤️”

 

Bukod sa mga PPE sets at Beautéderm alcohol, plus iba pang produkto nito, nagdi-distribute rin sila ng cooked foods, relief goods, bigas, at iba pa, sa frontliners at sa mga nangangailangan.

 

Ang pambihirang kabaitan ni Ms. Rhea ang rason kung bakit siya mahal at inirerespeto ng marami. Isa rin ito sa dahilan kung bakit napaka-successful ng  Beautéderm na sa nakalipas na 10 taon ay nasa forefront ng beauty and wellness industry sa bansa bilang isa sa solid at pinaka-pinagkakatiwalaang lider nito.

 

Prayoridad ng Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo sa lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga plant-based na sangkap na pinagsama-sama upang maibigay ang pangako nitong ‘di lamang pisikal na kagandahan sa bawat loyal user nito, kundi pati na rin ang mas magandang buhay din para sa resellers at distributors.

 

Bilang isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautéderm Home na kinabibilangan ng room at linen sprays at pati na rin ng mga scented soy candles; at ang perfume collection ng Beautéderm na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men at pati na rin ang mga bagong produkto gaya ng Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum, at iba pa na lahat ay pawang top-selling products sa merkado.

 

Ang Beautederm flagship store ay matatagpuan sa Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …