Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Kit ng Cainta, ipina-auction ang mga mamahaling sapatos

SA Cainta naman, ibinahagi sa amin ni DA Arnell Ignacio ang balita sa Mamang Mayor nito na si Kit Nieto ang ngalan na para makadagdag sa tulong sa kanyang nasasakupan, inilabas nito ang lahat ng mamahaling rubber shoes at ipina-auction.

 

Ayon sa butihing Mayor sa ibinahagi nito sa kanyang socmed account, “Eto ang resulta ng 6th auction ng 3 rubber shoes ko today.. 

 

“‼️Kobe 9 EM premium Philippines 

 

“Base price/ P50,000 —— binili ng P55,000

Winning bidder: Pipo Soliman

 

“‼️Yeezy boost 350 V2

 

“Base price P11,000 —— binili ng P30,000 + 300 packs kakanin (lourdes bibingka)

Winning bidder: Christopher John Laxamana

 

“‼️Converse chuck taylor (customized mayor kit one CAINTA)

 

“Base price P1.00 —- binili ng P30,000

Winning Bidder: christine marcelino

 

“Total earnings today P115,000

5th day: P60,500

4th day: P70,000

3rd day: P79,000

2nd day:P117,000

1st day:  P132,000

 

“Total to date sa 6 Araw: P573,500.00 

 

“Sa perang yan, 286 na displaced workers ang mabibigyan ko ng P2000 assistance  na sasamahan ng food packs good for 5 days…

 

“Magpapa-auction uli ako ng tatlong pares ng sapatos bukas at araw-araw hanggang sa matapos ang quarantine o hanggang maubos ang koleksyon ko…kung sino ang unang sumuko

 

“Nasa litrato ang mga ibang recipients ngayong araw ng augmented social amelioration kanina galing sa proceeds ng auction..

 

“Maraming salamat…”

 

Ito rin ang punong bayan na patuloy lang na namimigay ng ayuda sa lahat ng barangay ng kanyang lungsod na walang pinili sa estado ng mga nakatira roon.

 

Wala ka na bang kaparis, Mayor Kit?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …