Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konsi Jom, kabi-kabila rin ang pagtulong sa unang distrito ng Paranaque

HANGGA’T hindi pa rin nasasawata ang hindi nakikitang kaaway ng sanlibutan, hindi rin naman tumitigil ang may mabubuting puso sa pag-ayuda, hindi lang sa ating frontliners kundi sa kanyang kapwa nangangailangan ng tulong.

 

Walang oras para magpahinga para sa Konsehal ng Parañaque na si Jomari Yllana.

 

Ang aktor na Konsehal ay namahagi ng bigas sa walong barangay sa Unang Distrito ng Lungsod ng Parañaque.

 

Simula pa lang ng Community Quarantine sa kanyang lungsod ay araw-araw nang naghahatid ng tulong ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng foodpacks (lunch & dinner) para mga medical frontliner.

 

Ganoon din ang pagpapadala ng kaunting ayuda sa mga Task-Force Volunteers sa iba’t ibang lugar sa unang distrito ng lungsod.

 

“Mula naman kahapon ay nagpadala tayo ng 55 sako ng bigas at 10 disinfection sprayer na pinaghati-hati sa walong mga barangay bilang tulong at karagdagang ayuda sa ating mga kababayan,” ani Jom.

 

Hindi tumitigil ang serbisyo ni Jomari. Basta siya at mga kasama ay patuloy pa rin sa kanyang paglilingkod sa lungsod. At may pangakong sisikaping magpaabot ng serbisyo sa abot ng kanyang makakaya.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …