Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, handang isakripisyo ang buhay para sa mga anak

AMINADO ang premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez na nagpakatatag siya nang husto para sa mga anak, nang sila ng mister niyang si Sir Art Atayde ay sabay na tinamaan ng Covid-19.

Ayon pa sa Kapamilya actress, handa niyang akuin ang anumang virus at isakripisyo ang sariling buhay, para sa kanyang mga anak.

“Kasi noong nagkasakit ako, magkakasama pa kami ng mga anak ko rito sa bahay, eh. Kini-kiss pa ako ng 10 year old ko na anak (Xavi), so yun iyong sabi ko, ‘Kung mayroon mang magkakasakit na isa sa mga anak ko, huwag na lang Lord, ibigay mo na lang sa akin yung virus na ‘yun.’

“Lumaban ako para sa mga anak ko talaga,” pahayag ni Ms. Sylvia nang kapanayamin ni Ms. Korina Sanchez sa programa nitong Rated K.

Kahit mapaminsalang sakit ang Covid 19, hindi sumuko si Ms. Sylvia at araw-araw siyang nanalagin at naki-usap sa Diyos.

“Iyong iniisip ko, sabi ko, ‘Lord, everyday iyong anak ko, Lord, hindi ko mai-magine ‘pag dalawa kaming mag-asawa mamatay, di ko ma-imagine yung pain ng mga bata, ng mga anak ko… paano sila makaka-survive? Alam mo yun, yung pinag-uusapan yung emosyon, yung sakit ng naramdaman? Tapos, hindi kami makikita, kasi ibabalot na lang kami, susunugin na lang kami, hindi ba? Painful masyado sa mga bata ‘yun,” pahayag pa niya kay Ms. Korina.

Patuloy pa ni Ms. Sylvia, “Kaya nakiki-usap talaga ako sa Diyos, kung di maiwasan, mayroong isa, ako na lang. Alam mo yun? Or kung puwede, dalawa kaming buhay. And thank God! Binuhay Niya kaming dalawa.”

Inusisa pa ni Ms. Korina kung bakit sa palagay niya gumaling silang mag-asawa at pinagbigyan ang dasal niya ng Panginoon?

“Kasi sa 15 days ko sa kama, noong nagsabi na cleared lungs kami, parang na-realize ko, puwede Mo kaming kinuha eh, or isa sa amin. Or puwede kaming dalawa, pero binuhay Niya ako ulit. Sabi ko, ‘Wow, di Mo pa ako kailangan. May misyon pa ako rito,’” saad pa ng Face of BeauteDerm na ang CEO at President na si Ms. Rhea Anicoche Tan ay kabilang sa mga labis na nagpasalamat at natuwa sa paggaling ng mag-asawang Atayde.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …