Wednesday , December 4 2024

Sa pananalasa ng COVID-19… Bakit sintahimik ng ‘eternal garden’ ang opisina ni MIAA GM Ed Monreal

GRABE raw ang katahimikan ng opisina ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal.

Sa ‘sobrang katahimikan’ nga raw, baka kapag nagawi ka rito ay mapagkamalan mong namamasyal ka sa ‘eternal garden.’

Joke lang po ‘yun… but not really.

Marami kasi tayong natatanggap na text messages at nais ipatanong kung nasaan na si GM Ed Monreal.

Mula raw po kasi nang mag-enhanced community quarantine (ECQ) ‘e wala na silang naririnig, ni ha, ni ho.

Umaasa kasi ang mga itinalagang skeletal workforce sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals na kahit paano ay mabibigyan sila ng alalay mula sa tanggapan ni GM Ed Monreal.

Hindi po kasi puwedeng walang skeletal workforce dahil ang NAIA ay vital installation.

Hindi komo walang domestic flights ay wala nang magtatrabahong Airport Police, janitors at iba pang kabilang sa skeletal workforce.

Katunayan, sila ay kabilang ngayon sa tinatawag nating “frontliners.”

‘Yun nga lang, sila ang “frontliners” na hindi man lang napaglaanan ni GM Ed Monreal ng face masks, na kailangang palitan kapag basa na sa pawis, latex gloves, alcohol at iba pang protective equipment.

Nagpapasalamat nga ang mga kabaro ni Airport Police  Jess Ducusin, dahil sa kanyang munting kakayahan ay nakapagkaloob siya ng face masks at kaunting ambag sa pangangailangan ng mga kasamahan sa Airport Police Department (APD) sa abot ng kanyang makakayanan.

        Kung tutuusin, wala namang ekstra kundi kahit paano ay sapat lang, pero nakuha pa rin mamahagi ni APD Ducusin.

Kaya lalo tuloy na-miss ng mga empleyado sa Airport si GM Monreal.

Wala man lang umanong dumating na alalay mula sa GM’s office kahit man lang relief goods.

Buti pa nga ‘yung ibang ahensiya ng gobyerno nakapamahagi kahit ‘5 Ligo,’ hindi po 5 libo.

Ang tanong nga ng mga empleyado, bakit?!

Kailangan pa bang dumaan sa bidding-bidingan ang ibibigay na assistance sa MIAA employees?!

Ano ba ‘yan, pati relief assistance ibi-bidding-bidding?

‘Yan naman po ay ipinatatanong lang ng mga empleyadong takang-taka kung bakit hindi nila ‘maramdaman’ si GM Monreal sa panahon ng krisis.

Ay pakipaabot na lang po at pakisagot na rin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *