Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karissa Toliongco, wish sundan ang yapak ni Julia Barretto

UMAASA ang newbie actress na si Karissa Toliongco na bilang bahagi ng Asterisk Artist Management headed by Kristian G. Kabigting, mas makikilala siya at magkakaroon ng tamang direksiyon ang kanyang showbiz career.

“Inaasahan ko po na makikilala ako bilang artista at pati na rin ang management ni sir K. Sila ay maayos at maaalaga, kaya naman sa tingin ko ako ay nasa tamang lugar at nasa tamang mga katrabaho,” sambit ni Karissa.

Nabanggit din ni KD (nickname ni Karissa), ang actress na wish niyang sundan ang yapak.

Aniya, “Eversince bata po ako, si Julia Barretto po talaga ang idolo ko sa itsura at pag-arte.

“Noong bata pa po ako ay napapanood ko na siya sa mga commercials hanggang sa finallow ko na siya sa lahat ng social media accounts niya. Sinubaybayan ko na ang lahat ng palabas niya. Balang araw, gusto kong sundan ang yapak niya dahil hinahangaan ko ang galing at sipag niya sa pag-arte. Bilib din po ako sa values niya, pati na rin ang bond niya with her family.”

Ano-ano na ang mga nagawa niyang projects?

“Ako po ay lumabas na sa MMK, bilang kapatid ni Joseph Marco. Sumasabak din sa modeling gigs, like photoshoots at mayroon din po akong upcoming TV series na My Extra Ordinary and digital lifestyle show with Kamille Filoteo & Kate Ludovice entitled, Oh! K!. Plus, magiging part din po ako ng series na Boys Next Door,” pahayag pa ng magandang aktres.

Paano niya ide-describe ang sarili? “Ako po ay passionate na tao. Gusto ko po palagi na galing sa puso lahat ng ginagawa ko,” pakli pa niya.

Si Karissa ay tubong Nueva Ecija at turning 20 na sa darating na May 6. Siya ay 1st year college ng kursong BS Entrepreneurship, major in Arts and Design sa Miriam College.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …