Thursday , December 19 2024

Gary V’s solo digital concerts, nakalikom ng P6.8-M

NAKALIKOM ng P6.8 million ang dalawang gabing solo digital concert ni Gary Valenciano na itinanghal sa Facebook page n’ya noong Abril 18 at 19. Para makalikom ng ganyang kalaking halaga, ibig sabihin ay napakatindi pa rin ng dating ni Gary sa madla. After all, isa siya sa mga binansagang “Total Performer” sa halos apat na dekada n’ya sa industriya ng musika.

 

Simpleng Hopeful ang titulo ng concert na ang layunin ay ipagdiwang ang ika-37 anibersaryo n’ya sa industriya ng musika at makalikom ng pondo na pantulong sa mga komunidad sa bansa na lubhang naapektuhan ng enhanced community quarantine na bahagi ng pagpapahinto sa paglaganap ng sakit na dulot ng corona virus.

 

Sa unang gabi ng pagtatanghal ay P2,371,204 ang donasyong natanggap ng konsiyerto. Mas malaki ang nalikom noong pangalawang gabi.

 

Gayunman, nilinaw ni Angeli Pangilinan-Valenciano, manager at maybahay ni Gary, na ang P6.8-M na nalikom ay ‘di purong cash kundi goods na ang halaga kung bibilhin ay isinama sa suma ng nalikom ng dalawang pagtatanghal.

 

Ang nalikom ay para sa benepisyo ng mga organisasyon ng Operation Blessing at Shining Light Foundation, na nakapagsimula ng tumulong sa mga komunidad na malubhang naapektuhan ng ECQ.

 

Nakatakda sanang mag-concert si Gary sa Araneta Coliseum para ipagdiwang ang ika-37 anibersaryo niya bilang propesyonal na mang-aawit at composer. Pero dahil sa ECQ ay ‘di na ‘yon itinuloy.

 

Si Gary na rin mismo ang nagsilbing musical director ng pagtatanghal na ginawa sa home studio ng pamilya sa Antipolo. Katuwang n’ya sa stage direction at multi-media production design na anak n’yang panganay na si Paolo Valenciano.

.

Nagsimula ang konsiyerto sa pag-awit ni Gary ng pinagtagni-tagning (montage) hit songs niya na kinabibilangan ng Hataw NaWag Mo Na Sanang Isipin, Hang On, Di Na Natuto, Narito, Paano, Until Then, at  Reaching Out.

 

Inawit din n’ya ang mga maka-Diyos n’yang komposisyon na gaya ng Natutulog Ba Ang Diyos at  Gaya ng Dati, Sa Yahweh, Shout For Joy, at ang bersiyon n’ya ng global hit na I Will Be Here.

 

Kabilang pa rin sa mga inawit ni Mr. Pure Energy at sinawayan ay  Search And Know, at Ipagpatuloy Mo, Galing Ng Pilipino, na tribute n’ya sa  Pinoy frontliners sa ibang bansa.

 

Inawit din n’ya ang pambatang Saranggola.

 

Samantala, ang nakatakdang susunod na mag-digital solo concert ay si Regine Velasquez. Fundraising din ‘yon at birthday show.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *