TULOY-TULOY ang paghahatid ng saya at pag-asa sa pamamagitan ng live broadcast ng programang Wowowin sa TV at social media.
Nakabalik na rin kasi ang host ng programa na si Willie Revillame sa Maynila matapos maipit sa Puerto Galera dahil sa enhanced community quarantine. Ito’y para mas palawigin pa ang serbisyong hatid ng programa.
Noong Lunes (April 13), unang beses na napanood ng Kapuso viewers ng live si Willie sa TV at pati na sa official YouTube channel, Facebook page, at Twitter account ng Wowowin mula sa kanyang bagong studio set-up.
Aniya, kahit patuloy ang kanyang programa ay mariin silang sumusunod sa guidelines upang manatiling ligtas sa Covid-19. Kabilang dito ang paggamit ng face mask, pag-obserba ng physical distancing, at pagkuha ng media ID mula sa PCOO.
Paliwanag ni Willie, “Dapat ko bang gawin ‘to? Sabi ko, ‘Bakit hindi, maganda naman ‘yung pakay. Makakapagpasaya tayo.’ Sa ganitong buhay po, sa ganitong pinagdaraanan natin, dapat ngumingiti tayo, lumalaban tayo. Hindi tayo pwedeng sumuway sa mga sinasabi po ng pamahalaan. Maging masunurin tayo dahil po para sa ating lahat ‘yan.”
Araw-araw nang live mapapanood sa TV at sa social media ang Wowowin bago mag-24 Oras sa GMA-7.
Rated R
ni Rommel Gonzales