Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mylene at Kyline, pagtatanim ang trip ngayong ECQ

SIMULA nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa, kanya-kanyang paraan ng pagpapalipas oras ang ginagawa ng lahat sa kanilang tahanan. Para sa Bilangin ang Bituin sa Langit stars na sina Mylene Dizon at Kyline Alcantara, pagtatanim sa kanilang bakuran ang trip nilang gawin habang naka-quarantine.

 

Mula pa noong Marso 17 ay sa Silang, Cavite nakabase si Mylene na likas na mahilig magtanim ng mga gulay at prutas. Magandang panahon na bigyang-pansin ang hobby na ito ng Kapuso actress lalo pa at hinihikayat din ng kinauukulan na magtanim ang mga tao sa kanilang bakuran para hindi lang sa palengke umaasa ng food supply.

 

“Inumpisahan ko ‘to noong lockdown kasi rati noong nagte-taping ako lagi hindi ko na masyadong nabibigyan ng pansin pero ngayon, araw-araw at least naaasikaso ko ‘yung garden ko. Importante kasi ang food security lalo na sa mga panahon na ito,” ani Mylene.

 

Sa Bicol naman nagpapalipas ng quarantine si Kyline na nahihilig din sa pagba-backyard farming, “Katulad nga po ngayon, lockdown, hindi po natin kailangang maging dependent sa palengke at makatutulong pa po tayo sa ating mga frontliner dahil mas male-lessen pa po ang ating paglabas-labas,” lahad ng aktres.

 

Habang tigil muna sa taping, pansamantalang mapapanood ang Alyas Robin Hood kapalit ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …