CONCERNED si Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga pasaway niyang nasasakupan.
In his recent Facebook post this morning, Remulla openly admitted that he is fed up with the pasaway attitude of some Caviteño who are not cooperating with the ordinance in connection with the existing plague, the coronavirus.
Bagama’t ipinanganak raw siyang iba ang kanyang orientation pero ramdam raw niya ang pinagdaraanan ng kanyang constituents.
As a matter of fact, the moment he wakes up, ang pinagdaraanan raw ng kanyang mga nasasakupan ang pumapasok sa kanyang isipan.
Aminado raw siyang napakahirap nang walang kinikita. Napakahirap para maitawid ang iyong mga pangangailangan at kailangan pang magsanla.
Nakakukulo raw ng dugo na nobenta porsiyento ng kanyang nasasakupan ay sumusunod sa mga patakaran pero may sampung porsiyentong matitigas ang ulo at mukhang nagiging sanhi ng lalong pagkalat ng COVID-19 virus.
Sinabi ni Remulla na hihingin na niya ang tulong ng Armed Forced of the Philippines tungo sa katuparan ng enhanced community quarantine sa Cavite.
“Nakiusap na po ako sa ating Provincial Director na tawagin na ang ating mga kaibigan sa AFP na maghanda, mag-deploy ang AFP dito sa Cavite,” he asseverated.
As of now, siya raw ay makikipag-ugnayan na kay Sec. Año na gamitin na ang Philippine Army at Reservist para pairalin ang ECQ sa Cavite.
Wala raw sa loob niya ang manakit.
Gusto lang daw niyang ipatupad ang batas para ‘yung 10% ay tumino at maisalba ang 90%.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.