SA isang banda naman, tila hindi natatapos ang girian nina Mayor Francis Zamora at Janella Ejercito Estrada. Dahil sa Rolling Store ng Misyon Foundation ng huli.
Sa mensahe ni Janella sa kanyang social media account, sinabi nitong, “Magandang balita bukas ay makakabalik na po ang rolling store handog ng Misyon Foundation ni Janella Ejercito Estrada in cooperation with Councilors Coun Chesco Velasco II Mary Joy Ibuna Leoy at ng inyong lingcod. Naka post po ang mga schedule sa mga barangays na hindi pa po natin napuntahan. God is good all the time.
“Simula nang nag umpisa ang RSP noong April 5 ay Fifty (50) percent off na po ang discount from the SRP ang alay ng Misyon Foundation para sa lahat ng bibili sa ating Rolling store palengke. Alam po namin ang hinaing ng bawat isa, kung kaya’t mababa po ang presyo ng ating mga paninda. Sana po ito ay makatulong sa ating mga Kababayan sa Lungsod ng San Juan.
“Pinapaalalahanan ko lang po ang lahat na panatilihin natin ang Social Distancing.
“Maraming Salamat po!”
God bless us all 🏼
#MisyonFoundation
#MisyonFoundationCares
#walangiwanan
Dagdag pa nito, “Sana po ay magtulungan nalang po tayo at Tama na muna ang pamumulitika sa gitna ng pandemic na hinaharap nating lahat, ang rolling store po ay tinayo na ang tanging layunin ay para makatulong at maibsan ang kahirapan ng ating mga kababayan, Wala pong kita ito, lahat ng binebenta ay binibili sa tamang presyo upang makatulong sa mga tindera/tindero at binibigay namin ng 50% or kalahating presyo sa ating kababayan upang makagaan sa kanilang bulsa dahil mahirap ang panahon ngayon, maliban dito bawat mamimili ay Bibigyan po natin ng Libreng 1 kilong bigas. Bastat makakatulong at ikabubuti ng marami ay sana wag na harangin at bigyan ng masamang kulay. Bigyan natin ng prioridad ang kapakanan ng ating mga kababayan na nangangailangan sa ating tinatahak na pagsubok ngayon, tama na muna ang mga issue, intriga at pangbebengga. Let’s help and have peace in the time of Covid19 please maraming salamat po -Konsehala Jana Ejercito
#kayjanaunaka”
Pero kada araw ay may bagong kaganapan.
“ATM: ROLLING STORE OF MISYON FOUNDATION now in Brgy. Poblacion in Mandaluyong dahil hindi pinayagan ang schedule today dito sa ating lungsod sa greenhills addition hills at maytunas ng cityhall.
“Maraming Salamat Po Mayor tita Menchie Abalos, sa aking kumare Councilor Charisse Abalos Full at Mayor Tito benhur Abalos for welcoming RSP with open arms na Walang kailangan permit Dahil ito ay higit na makakatulong at makakabawas sa gastusin ng inyong mga kababayan. Sana sa San Juan ay ganyan din Kapakanan muna ng mga kababayan ang iisipin sa mga panahong ito na May krisis at hindi pamumulitika at pangbebengga.
“Pasensya na po mga mahal naming San Juan, maganda ang intensyon ng Misyon foundation nang itayo ang rolling store para sa mga taga San Juan ito po ay nabigyan ng malisya at masamang kulay. Ipagdasal nalang natin na sa mga susunod na mga araw, linggo , buwan or taon na dumating rin ang kapayapaan at pagkakaisa dito sa ating lungsod.
“Itigil na ang siraan sa social media at mga hindi magandang salita sa kapwa.
“Nakakalungkot man ang nangyari ngayong araw pero ang maganda dito ay nakatulong parin ang RSP sa mga nangagailangan nating mga kapitbahay at kapwa sa Mandaluyong City. God bless you Mandalenos.
“Stay safe and Praying for peace and brighter days ahead ️
“With strong faith,
Konsehala Jana Ejercito
#kayjanaunaka ”
KUNG pagtulong ang ibinabahagi eh, hindi na kailangan itong kuwestiyonin.
May nagsasabi raw kasi na pinagkakakitaan lang ito ng pamilya ni Janella.
Na pinabulaanan na ng kanyang ama!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo