Thursday , December 19 2024

Baron, tinawag na ‘rapist’ si Ping Medina

IDEMANDA kaya ni Ping Medina si Baron Geisler dahil sa akusasyon nitong “rapist” siya? 

 

Posible. Kung ‘yon ang ipapayo kay Ping ng mga abogadong kokunsultahin n’ya tungkol sa akusasyon ni Baron. 

 

Sa Twitter, ipinahayag ni Baron ang bintang na iyon, at agad itong nag-trending.

 

Actually, nag-react lang si Baron sa tweet na nai-share sa kanya tungkol sa umano’y mga akto ng sexual harassment ni Ping. 

 

Heto ang tweet na ‘yon: “Be warned. Ping Medina sends unsolicited dick videos potentially unconsensually leaked ones, verbally abuses girls to have sex w him (aka coercion). he’s on twitter too and apparently mostly targets girls from katip and he’s known to hang out at cubao expo too https://t.co/L0fATXkbQO— Jan ???? (@jughnn) April 14, 2020.”

 

May iba pang nai-share na tweets kay Baron si @jughnn, at ang ilan daw doon ay isini-share lang din sa kanya. 

 

Nag-trending si Ping sa Twitter dahil may iba pang umano’y harassment victims n’ya na nag-tweet laban sa kanya. Heto ang isa sa mga iyon: “Tambay siya sa expo tapos when i told him i was only 16, he kept making kulit na di raw ako mukhang underaged ksjsjsjk target nya ata talaga bata lol… creep. ” 

 

Heto ang isa pa: btw [by the way] he’s on tinder and bumble! girls have messaged me to say he asks where u are/if u want to hook up agad and just really creepy. he’s emotionally abusive, cheated on his ex with numerous girls and overall manipulative so pls watch out!!”

 

Ang mga ‘yan ay mula sa:  tw//nsfw pic.twitter.com/H5eUVTG4zo

 

Ang unang reaction ni Baron sa mga tweet na ‘yon ay: “True. My ex was raped by him and his friend.” Agad n’yang sinundan ‘yon ng isa pang tweet na: “Reason y i peed. ” Ang umano’y pangri-rape na ‘yon daw ang dahilan kaya inihian n’ya si Ping sa katawan sa syuting nila ng isang indie film noong 2016. 

***

Samantala sa ABS-CBN News naman ipinahayag ni Ping ang reaksiyon n’ya sa paratang ni Baron. Mensahe ni Ping: “Our country has bigger problems atm [at the moment] . I will give a statement after conferring with my lawyers. Thank you.”

 

Bale pangalawang pag-aakusa na pala ito ni Baron kay Ping. Noong Disyembre 2016, pagkatapos n’yang basahin sa harap ng ilang media reporters ang apology n’ya kay Ping, nag-post siya ng serye ng mensahe sa Facebook page ni Ping. Heto ang ilan sa mga iyon:

 

“You raped many girls.”

 

“Rapist ka daw.”

 

“Wanna play games? I lay the truth. Watch out. Ex ko binalahura ni’yo She and others will testify.

 

“Tama na yabang. Wala manalo dito. You will regret.”

 

“I will show the world tungkol sa partnership nyo. You know what I mean. I still have pics. Jail time abot nyo.

 

“Ngayon…. sino si satanas. Huminga ka ngayon. Cge cge lamang.

 

“You and your god knows this. Secret na. Contacted your victims. Nakakaiyak. Game.

 

“Not for you and me. Katotohanan lamang.

 

“Justice will be served.”

 

Pero wala namang nangyari sa mga paratang na ‘yon ni Baron. Hindi sinagot ni Ping ang mga ‘yon. Napinsala ang kamao n’yang isinuntok n’ya sa pader dahil sa galit n’ya kay Baron pagkaihi nito sa kanya. Kinailangan siyang magpahinga at hintayin gumaling ang kamao n’ya. 

 

Si Baron man ay nanahimik din– dahil sinuspinde siya bilang aktor ng samahan ng talent managers sa bansa.

 

Si Baron man ay nagkaroon ng ilang kaso ng sexual harassment noon mula sa isang aktres at sa anak ng isang aktres. Pero parang ipina-police blotter lang naman si Baron. Parang wala namang nagpaaresto sa kanya, at wala ring itinuloy ang kaso sa piskalya at sa hukuman. 

 

Dalawa o tatlong beses na nagpa-rehab si Baron dahil sa alkoholismo. Ang pinakahuling rehabilitasyon n’ya ay naganap sa Cebu City at parang naging napakaepektibo dahil nagkaroon pa siya ng negosyo roon na sosyal na barberya at nakatagpo ng babaeng mapapangasawa na isa sa mga Psychologist sa rehabilitation center. Kasal na sila at may isa nang anak na babae na halos isang taon na ngayon. 

 

Huling napanood si Baron bilang isa sa mga kamuhi-muhing kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay sa napakahabang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ng Kapamilya Network. 

 

Mula noong gumaling ang kamao ni Ping, nakalabas na siya sa ilang serye sa ABS-CBN at GMA 7. Nakasama rin siya sa pelikulang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na entry ni Coco Martin sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Anak siya ng batikang aktor na si Pen Medina at kapatid ng mga aktor ding sina Karl at Alex Medina. 

 

Dating may restoran ang pamilya nila sa Expo sa Cubao, Quezon City, na ang pangalan ay Pen Pen.  

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *