Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Music video ng kanta ni Bianca, umani ng positive reviews

CONGRATULATIONS sa Kapuso star na si Bianca Umali sa kanyang bagong achievement.

 

Inilabas na ng GMA Music ang kanyang music video para sa kauna-unahan niyang single na pinamagatang Kahit Kailan. Talagang inabangan ito ng kanyang avid fans at mga tagahanga dahil noon pa man ay nakikitaan na nila ng galing sa pag-awit ang aktres.

 

Ang kanta ni Bianca ay patungkol sa isang babaeng sawi sa pag-ibig at madamdamin ang lyrics nito. Dalang-dala naman ang mga netizen nang mapanood ang music video at karamihan sa kanila ay pinuri ang boses ni Bianca.

 

Sey ng fan na si Owhen Ranger sa YouTube“Buhayin ang OPM! Ang lamig ng boses ni Bianca. Bagay na bagay sa kanya ‘yung kanta.”

 

Dagdag naman ng iba, “This song deserves million views.”

 

Mukhang magiging promising ang takbo ng music career ni Bianca. Sa mga hindi pa nakanood ng Kahit Kailan music video, maaari itong makita sa official channel ng GMA Music sa YouTube.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …