Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gladys Bernardo Reyes, kayang pagsabayin ang acting at pagiging teacher

AMINADO si Gladys Bernardo Reyes na hilig talaga niya ang pag-aartista kahit na noong bata pa lang siya. Ang newbie actress na naging Ms. Norzagaray 2nd Runner-Up noon ay isang Head Teacher ng Science Department ng Fortunato F. Halili National Agricultural School.

Naging back-up dancer siya rati ni Jolina Magdangal at tuluyang nagkaroon ng puwang maka-arte sa mundo ng showbiz nang nakilala ang manager niyang si Direk Romm Burlat.

“Nagsimula po ako kay direk Romm Burlat 2017 nag-workshop po and kinuha na po niya ako,” panimula ni Gladys.

Aniya, “Nakita ko po ‘yung post niya na may acting workshop with tito Joonee Gamboa po ang isa sa speaker. And nakatutuwa po dahil sabay na po kami ni tito Joonee pauwi hanggang Bulacan and nagbigay pa siya ng mga tips sa pag-aartista na sinunod ko naman po lahat.”

 

Mahirap bang pagsabayin ang pagiging teacher at pag-aartista?

 

Tugon ni Gladys, “Para po sa akin, hindi po ako nahirapan dahil nasa puso ko po talaga ang pag-aartista simula po bata pa. Kaya lang po, hindi ako nagkaroon ng chance at that time po dahil medyo mahigpit pa noon ang parents ko. Ngayon lang sila pumayag dahil naibigay ko naman po ang nais nila na makapagtapos po ako ng pag-aaral.”

 

Nabanggit din niyang nag-e-enjoy siyang pinagsasabay ang pagiging teacher at pagsabak sa showbiz.

 

“Yes po, nag-eenjoy po ako, masaya po ako sa ginagawa ko at kaya ko naman pong pagsabayin na hindi naman po maapektohan ang aking pagiging head teacher.

 

“Madalas po ay weekends po natatapat ang mga taping at shooting… tapos po papasok po ako kahit puyat, kayang-kaya ko naman po,” saad ni Gladys.

 

Si Gladys ay nakalabas na sa mga teleserye sa GMA-7 at ABS CBN. Sa pelikula ay napanood siya sa James & Pat & Dave ng Star Cinema na pinamahalaan ni direk Theodore Boborol at tinampukan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Aside sa dalawa pang pelikula, tampok din siya sa short film na Angkla.

 

Sa ngayon ay tinatapos ni Gladys ang pelikulang Bakit Nasa Huli Ang Simula ni direk Romm na tinatampuan ng beauty queen-turned actress na si Ms. Faye Tangonan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …