Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lotlot, aktibo sa pagluluto ng masasarap na ulam

GINAWANG kapaki-pakinabang ng aktres na si Lotlot de Leon ang pamamalagi sa loob ng bahay habang nagaganap ang Enhanced Community Quarantine o ECQ (o lockdown, actually) sa buong Luzon dahil sa panganib ng Covid-19.

Dahil walang taping at shooting, naging aktibo muli si Lotlot sa pagluluto para sa kanyang negosyong Lotlot’s Homemade (Ready-To-Cook Meals).

 

Sa naturang business ng aktres ay maaaring umorder for delivery ng kanyang napakasasarap na mga specialty; Bopis, Liempo, at Mediterranean Chicken Barbeque at ang latest addition sa menu na freshly-baked Banana Bread.

 

Mag-text lamang sa (0945) 594 1258 para sa mga order.

 

Samantala, ngayong Sabado ay mapapanood si Lotlot sa GMA sa muling pag-ere ng totoong kuwento ni Jenny na isang OFW na niyaya nang pakasal ng kanyang boyfriend nang madestino sa Dubai para mag-alaga ng isang sanggol na may cerebral palsy.

 

Naging malapit ang puso ni Jenny sa kanyang alaga na lubos namang ikinahanga ng kanyang guwapong Egyptian boss na si Hany. Nang hiwalayan si Hany ng kanyang first wife, unti-unti silang naging malapit sa isa’t isa pero nagkaroon uli ng isa pang asawa ang lalaking amo niya.

 

Pinagbibidahan ito ng nakilala nating “Hipon Girl” sa programang Wowowin na si Herlene Budol. Makakasama rin sina Lotlot, Vaness Del Moral, Mike Agassi, Euwenn Aleta, Marlon Mance, Ana De Leon, at Joaquin Manansala.

 

Sa ilalim ng direksiyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco at pananalisksik ni Loi Argel Nova.

 

Abangan ang naturang episode na isa sa mga naging anniversary presentation ng Magpakailanman.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …