MAY munting handog ang Kapuso stars para sa mga pasyente ng Covid-19 at mga frontliner. Sa pamamagitan ng paggawa ng Get Well Soon at Thank You cards, nais nilang palakasin ang loob ng mga Filipinong patuloy na nakikipaglaban sa hinaharap na pagsubok. Ilan sa mga gumawa ng Covid-19 love letters ay ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno, Therese Malvar, Angelica Ulip, Raphael Landicho, Yuan Francisco, Euwenn Mikaell, twins Kleif at Kyle Almeda, at pati na rin ang mag-inang Yasmien Kurdi at Ayesha.
Sa mga gustong makiisa sa paghahatid ng ngiti sa ating frontliners, maaaring i-post ang inyong mga card sa inyong social media accounts at i-tag ang GMA Artist Center sa Instagram o Facebook.
RATED R
ni Rommel Gonzales