HOUSEHOLD name na ang pangalang Rei Anicoche Tan. Ang nagpalaganap ng BeautéDerm sa bansa.
Mga artista ang tumutulong kay Rei na magpalaganap sa kanyang mga produkto. At ibinabalik naman niya ito sa kanila as endorsers sa negosyo na nakatutulong din sa kabuhayan nila.
At sa panahon ng Covid-19, maituturing na ring frontliner since Day 1 si Rei at ang kanyang pamilya kaagapay ang mga artistang endorsers niya.
Marami na ring naibahagi si Rei sa kanyang sinimulang proyekto sa pamimigay ng tulong sa mga tao, lalo sa mga kababayan niya.
“Luxury For A Cause Part 2 !
“Nakabili na din po ang aking pamilya sa Ilocos Ng pamimigay sa aming mga kabarangay 🥰🏼
“Maraming salamat po ulit sa mga sumali sa Bidding ! God bless us all!
“Thank you for saying #YesToLove!
#ContriBeauT #MapapagodPeroDiSumusukongMagmahal
#Spreadkindness #ShareLove #WeHealAsOne
“Material things are absolutely nothing compared to a life of a human being. What this crisis has reminded me is the great value of life. I urge everyone to do the same as it does not matter how big or small — giving and knowing that we have made a tiny difference in a person’s life will give us purpose and most importantly, peace and joy beyond reason and logic. ️
“Beautéderm.”
Isang bagay ang dapat na noon pa nalinawan ng sangkatauhan, na ang mga materyal na bagay ay pansamantala lamang. Iba ang nararamdaman at hindi nakikitang kabusugan sa puso!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo