PASIKLAB itong si Isko Moreno.
Araw-araw na lang ay laman siya ng mga tabloids dahil sa mga paeklay niya na pagtulong sa kanyang nasasakupan which, in a way, is good naman.
‘Yun nga lang, paminsan-minsan ay nasasalisihan siya ni Mayor Vico Sotto ng Pasig city kaya lalo siyang ginaganahang magpasiklab.
Okay naman ‘yun. Friendly competition so to speak.
‘Yun nga lang, Mayor Vico is remarkably handsomer and more physically fit and younger and more vigorous as well.
‘Yun nga lang, nakapagtatampo naman na ni minsan ay hindi man lang niya naalala na may mga kaibigan rin siya sa press na minsa’y nakatulong rin sa kanya pero parang hindi na niya naaalala, specially so now that they are badly in need of his help.
Ang kaso, wala na siyang inaasikaso kundi ang pagpapapogi specially so now that he is supposedly dreaming of becoming the next president of the Philippine republic.
Fine!
Ma’no man lang ‘yung tularan naman niya si Mayor Herbert Bautista na tumutulong without asking for anything in return.
‘Yun bang hindi namimili at nasa puso ang pagtulong at hindi iniisip ang fringe benefits na kanyang makukuha.
Pero walang-wala na nga sa isip pa ni Isko Moreno ang tulungan ang entertainment press na malaking role rin ang ginampanan kung bakit siya nakilala.
Karamihan sa kanila ay hirap na hirap at halos sumala na sa pagkain dahil ang mga producers na natulungan rin naman nila kahit paano ay deadma sa kanila sa panahong kailangang-kailangan nila ang tulong.
Going back to Mayor Isko, sa tuwing iniinterbyu siya on national television, ramdam na ramdam mo ang kanyang cautious projection and the desire to impress.
Wala namang masama roon dahil he is in this world called politics where the game is projection but he should possess a long memory as well and not a veritably short one. Hahahahaha- hahaha!
And speaking of long memory, his PR should have this as well.
Dati-rati, humble at sweet itong si Daddy Wowie Roxas. Pero magmula nang maging mayor ng Maynila ang alaga niyang si Mayor Isko, deadma na rin itong kanyang pralala.
Well, so what’s new?
Bahala na nga sila.
Suffice to say, bibihira talaga ang tulad nitong Mayor Herbert Bautista na may mahabang memorya.
Kumbaga, ‘yung mga nakasama niya noong nagsisimula palang siya sa sa show business noong 1980s ay kilala pa rin niya at natutulungan sa abot ng kanyang makakaya.
‘Yan ang tao – marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.