Friday , November 15 2024

May COVID man, PNP-IMEG, tuloy sa ‘paglilinis’   

KAPAL ng…! Sino? Wala naman, sa halip kayo na lang ang humusga sa pulis-Maynila na inaresto ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kamakailan habang nahaharap tayo sa matinding krisis – ang pagkikipaglaban sa COVID-19.

 

Ba’t siya inaresto samantalang ang mga pulis ngayon ay  sinasaluduhan dahil sa hindi matatawarang  serbisyo sa bayan – ang pagiging frontliner  sa checkpoints habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) kaugnay ng pagkontrol sa pagkalat ng virus.

Katunayan, sampung pulis ang nahawaan ng sakit.

 

Pero kakaiba ang inarestong si P/Cpt. Josep Pedro Bocalbos, 55-anyos. Sa halip na ipokus ang atensiyon sa kautusan ni PNP chief, Gen. Archie Gamboa na tumulong laban sa COVID-19, e kung ano-ano yata ang kanyang pinagkakaabalahan. Basta ha, kayo na ang bahalang humusga sa mama.

Alam n’yo naman ang IMEG na pinamumunuan ni P/Col. Ronaldo O. Lee, ang tumira at pulis ang dinakip, malamang ang kaso ay pangongotong ‘extortion.’

 

Naku, kapag nagkataon, sayang ang retirement benefit/s  ni Bocaldos. Isang taon na lang pa naman siya sa serbisyo.

 

Ano pa man, si Bocalbos, commander ng Community Police Precinct sa Ermita, Maynila ay dinakip ng IMEG kasama ang kasabwat niyang sibilyan na si Joyce Sajines y Tolentino, 47, nitong nakaraang linggo.  Inaresto sila sa pangongotong daw sa loob mismo ng Paz (Paco) Police Community Precinct.

 

Si Bocalbos ayon sa IMEG, ay inaresto bunsod ng reklamo mula sa sidewalk vendors sa isang public market sa Barangay Paz, Paco, Maynila na nasa AOR ng Paz PCP.

 

P150.00 ‘tara’ kada araw ang kinukuha kada vendor. Ang kumukolekta ay si Sajines.

 

“We have arrested a police commissioned officer who has been the subject of complaint regarding his extortion activity. It turned out that P/Cpt.  Bacolbos is extorting  P150 daily from each vendor in Brgy. Paz, Paco, Manilla. Once they fail to give the amount, they are being subjected to harassment by the officer,” bahagi ng pahayag ni Lee sa kanilang report kay PNP Chief.

 

O, kayo na ang bahalang humusga kay Bocalbos ha! Basta, nahaharap na nga tayo sa pandemic pagkatapos…lahat na ngang pulis ay nakapokus din sa pakikipaglaban sa COVID-19 pagkatapos…ano ba iyan!?

 

Anyway, sinasabing pinabulaanan ni Bocalbos ang akusasyon laban sa kanya.

 

Sa IMEG naman, Col. Lee, saludo kami sa inyo…may COVID-19 man, tuloy pa rin ang inyong pagbabantay laban sa mga pulis na inirereklamo. Iyan ang sinasabing cleansing program ni PNP Chief.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *