Noong unang umeere palang ang Prima Donnas, walang gaanong pumapansin rito.
But after a couple of months, ito na ang isa sa pinakasikat na afternoon serye sa GMA at kahit ‘yung kabila ay nangungulelat at hirap itong pantayan.
Totoo ka, mabentang-mabenta talaga ang tatluhan nina Jillian Ward (Donna Marie), Althea Ablan (Donna Belle), at Sofia Pablo (Donna Lyn).
Hindi talaga ito kayang talbugan ng all star cast na teleserye sa kabilang network.
Dahil rin sa popularidad ng Prima Donnas, naging much sought after si Elija Alejo (Brianna) at may nababalitaan kaming soap opera na magtatampok rin sa kanya.
Siyempre pa, maigting ang labanan nina Katrina Halili (Lilian Madreal) at Aiko Melendez (Kendra Fajardo) sa pagmamahal ni Jaime Claveria (Wendell Ramos).
Not to be outdone, suklam na suklam talaga ang nakararami sa character ni Chanda Romero na si Lady Prima.
Kaya laging pakaabangan ang Prima Donnas na mapanonood right after Magkaagaw sa GMA.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.