Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Epekto ng lockdown

MARAHIL sawa na kayo sa mga balitang may kaugnayan sa politika. Aminado ako na halos pare-pareho na lang ang nagigisnan natin. Nakauumay na.

 

Heto naman ang mungkahi sa akin ni Bing Lastrilla, isang kasapakat sa larangan ng pananalastas.  Ani Bing: “Mackoy, spin us a short story of the things you see around. Fiction based on fact. Stay safe Bro.”

 

Napaisip ako sa palambing ng aking kaibigan. Kaya nagpasya akong lumihis bahagya pansamantala, at isulat ang tungkol sa nakikita ko rito sa COVID-19 lockdown.

 

Noong mag-anunsiyo ang pamahalaan ng malawakang “lockdown” maraming katulad ko ang nagsadya sa grocery upang mamili ng de-lata, bigas, at ibang kakailanganin.

 

Maraming tao, karamihan ay nagpa-panic buying dahil hindi nila tiyak kung hanggang saan aabot ang lockdown. Batid mo ang pangamba sa kanilang mga mukha habang pinupuno ang kanilang shopping carts.

 

Hindi matagal ang kumuha ng produkto sa grocery; ang matagal ay ang pila sa kahera na umabot ng tatlong oras. Dito ang social distancing ay nasusunod, ngunit kung may sinuman na carrier ng virus noong mga panahon na iyon ay walang katiyakan pero natapos din at nakalabas na ako at umuwi. Marahil, ganoon din ang makikita sa ibang pamilihan, subalit ang Filipino ay matimpi at pagtitiyagaan niya ang mahabang pila.

 

Pero mapapansin natin na tila nagbago ang ating mga gawain. Karamihan sa atin hindi muna pumapasok sa kani-kanilang tanggapan at nananatili muna sa bahay. Dito natuto tayo ng mga bagay na dati hindi natin gawain.

 

Natututo tayo ng mga kakaibang ritual. Ang unang ritual kapag galing sa labas ay hubarin ang damit, ilagay sa hamper at mag-shower. Naging kawikaan na ito sa panahon ng COVID-19 na ang lahat ng bagay na nanggaling sa labas ay automatic deretso sa labahan gamit ang matapang na sabon at ang lahat ng hinawakan ay pupunasan gamit  ang 70 percent ethyl o isopropyl alcohol. Ito na ang gawain natin araw araw.

 

Oo maraming nabago sa estilo ng pamumuhay dahil sa lockdown at ang una rito ay ang pagpigil sa ating malayang paglalakbay. Sa katulad kong makati ang mga paa naging malaking issue ang magkulong sa maghapon sa loob ng kuwarto.

 

Pero habang lumilipas ang mga araw hindi na naging problema ang manatili na lang sa isang lugar. Dito nagkaroon ako ng panibagong pananaw, dito nagkaroon ako ng pangalawang ritual, ang bagalan, ang pumereno nang kaunti at pansinin ang mga bagay na dati hindi mo inuukulan ng pansin.

 

Pagmasdan ang mga ito. Mas malinis na ang hangin at malaki ang nabawas sa polusyon.

 

Nanumbalik ang sigla ng mga halaman at mapapansin natin na mas maraming ibon. Dahil walang lumalabas sa tahanan, natuto tayong maghanap ng simpleng libangan kapiling ang ating mahal sa buhay at dahil dito nanumbalik ang balitaktakan sa hapag-kainan.

 

Natuto tayo na magbasa ulit ng mga libro, magasin at peryodiko. Naging mas mapanuri na tayo sa lahat ng bagay na may epekto sa ating buhay. Binigyan na natin ng kahalagahan kahit ang maliliit na bagay at nakikita na natin na ang mga ito ay may katuturan sa atin.

 

Ang bawat buhay ay mahalaga, at tayo ay papayag na mabartolina sa tahanan masupil lang ang COVID-19. Nakalulungkot dahil may iilang sutil pa rin na lumalabag sa kuwarantina pero nindi sila ang nakararami. Kung iisipin natin ang isang buwan ay daraan, at ang COVID-19 lockdown ay lilipas din.

 

Naisip ko bigla ang usapan namin ng isang kaklase ko na bumuno nang ilang taon sa Bilibid.

 

Aniya: “Isipin mo na ang bilibid ay isang isla na bagaman kompleto, ay hindi ka makaaalis.”

 

Salamat  Pareng Kiko, ito ang pananaw ko ngayon. “Ang quarantina ay nagparang nasa isang isla ka na hindi ka puwedeng umalis.”

 

Katulad ng Bilibid, marami kang panahon para mag nilay-nilay, at hindi tulad ng Bilibid may mga gadgets at internet ka na pwedeng libangan. Kaya’t hanggang hindi dumarating ang release papers mo na galing kay warden bunuin mo ang sentensiya mo.

 

Magpasalamat ka at ang sentensiyang ito ay hindi Reclusion Perpetua.

([email protected])

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *