Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Throwback photos nina Coney at Tom, pinagpiyestahan ng netizens

DAHIL maraming oras ang mga tao ngayon sa kani-kanilang tahanan, maraming trending challenges sa social media gaya ng pagpo-post ng throwback photos na may caption na Until Tomorrow na nangangahulugan na hanggang bukas lamang ang post at buburahin mo rin ito.

 

Ang mga throwback photo kasi ay kailangang medyo alanganin at nakahihiya. Game na game naman na nag-join ang Love of my Life stars na sina Coney Reyes at Tom Rodriguez sa Instagram challenge na ito. Imbes na pagtawanan, marami ang humanga sa mala-anghel na throwback photo ni Coney na kuha noong first holy communion niya na 7 years old pa lamang.

 

Samantala, mukhang nag-enjoy naman si Tom na nag-post ng sandamakmak na throwback photos simula pagkabata hanggang binata na kinaaliwan naman ng netizens.

 

Biro pa ng Kapuso actor sa caption nito, “Sa mga nagsasabing lumaki ang ulo ko, itigil n’yo na, dahil may pruweba ako rito na bata pa lang ako eh malaki na talaga ulo ko. Pang cartoons ang sukat!”

 

Mapapanood si Coney sa top-rating GMA series na Love of my Life na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover na tampok naman si Tom kasama sina Carla Abellana at Dennis Trillo tuwing gabi sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …