HINDI lang sa Pilipinas minahal at tinangkilik ang GMA primetime series na Onanay dahil maging sa Ecuador ay patok ito sa mga manonood.
Ibinalita ng Kapuso star na si Mikee Quintos na isa rin sa cast ng serye na huge hit ito sa bansa na mas kilala bilang El Amor Mas Grande. At dahil katatapos lang ng finale nito, pinasalamatan ni Mikee ang lahat ng international fans ng Onanay na sumuporta sa kanilang programa.
Aniya, “This project’s really close to my heart. I heard they just finished airing in Ecuador! Shout out to all the fans there!! Gracias por ver ‘El Amor Mas Grande.”
Hindi naman pinalampas ng Ecuadorian fans ni Mikee na iparating sa kanya ang kanilang pagmamahal at suporta.
Comment ni Roberto Mendez, “It is the most beautiful novel seen in my whole life. Greetings to all actors but mainly you and Kate.”
Kasalukuyang napapanood ngayon ang rerun ng Onanay pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.
Rated R
ni Rommel Gonzales