Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan at Mikael, ibinagi ang epekto ng Covid-19

ANO mang estado sa buhay, lahat ay apektado ng krisis na kinahaharap ngayon ng mundo. Sa kanilang podcast na Behind Relationship Goals, ibinahagi ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez kung paano naapektuhan ng Covid-19 ang kanilang personal at professional lives.

 

Ayon kay Mikael, isa sa pinaka-naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ay ang kanilang trabaho. Lahat daw kasi ng kanyang projects pati na rin sa abroad ay nakansela.

 

“Everything was cancelled, this isn’t just affecting our psyche and emotions, this is affecting our income, our lives, our productivity.”

 

Dagdag pa ni Megan, nagpapasalamat siya na itinigil muna ang taping ng mga serye para maiwasan ang makahawa ng kapwa. Pagpapaalala pa ng dalawa, importante na ‘wag mag-panic at ma-stress sa ganitong sitwasyon at sa halip ay ipukol ang oras sa mga makabuluhang bagay.

 

Aliw naman ang netizens sa pakikinig ng relevant and informative podcasts ng mag-asawa, “Your podcast relaxes me all the time!  Thank you for sharing your time with us.”

 

Samantala, magbabalik-telebisyon si Megan sa much-awaited GMA series na Legal Wives habang si Mikael naman ay napapanood sa Love of my Live na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …