Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Connie Sison, palaging ipinagdarasal ang mga frontliner

NAGBAHAGI ng kanyang personal na mensahe para sa mga frontliner ang Unang Hirit at Pinoy MD host na si Connie Sision.

 

Sa video message sa kanyang IG account, pinasalamatan ni Connie ang lahat ng frontliners na buong-puso pa ring ginagampanan ang kanilang trabaho para sa bayan kahit ang kapalit ay ang kaligtasan at madalas pati ng kanilang mga mahal sa buhay.

 

Batid ni Connie na hindi madali ang hinaharap ngayon ng ating kababayang frontliners. Kaya naman, patuloy ang pagsaludo ni Connie sa frontliners at patuloy siyang nananalangin para sa kanilang kaligtasan.

 

Bilang pagtatapos, ito ang sabi ng Kapuso News and Public Affairs personality: “May God protect you against all forms of danger and harm. At sana po malaman ninyo sa mensahe kong ito na hindi po kayo nag-iisa sa labang ito. God bless you and will always be praying for your safety.”

 

Nakatataba ng puso ang mensaheng ito ni Connie na sana ay makaabot sa mas marami pang frontliners natin upang patuloy silang maging matatag sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …