Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are atat nang magtrabaho, kaliwa’t kanan ang offers

ISA sa natengga sa kanilang bahay dahil sa Covid 19 ay ang award-winning indie actor na si Tonz Are.

Bago ang higanteng perhuwisyong hatid ng Covid 19, humahataw si Tonz sa kanyang acting career at negosyo. Kaya aminado siya na miss na miss na niya ang muling humarap sa camera.

“Yes po, miss na miss ko na talaga… miss ko na ang mag-taping and umarte sa TV. Isa pa sa nami-miss ko ay iyong sigaw ni direk na ‘Cut’ at ‘Okay, packed up!’ hehehe,” nakangiting saad niya.

Dagdag pa ni Tonz, “Ang up-coming movie ko po ay Tawabong, ako ang bida rito. Bale, sa akin po umiikot ang istorya ng movie.

“Sa SOCO (Scene of The Crime Operatives) ay regular pa rin ako, pati sa The 700 Club Asia po. My movie rin ako kay Direk Romm Burlat, iyong Ban-uk po na bale second to the lead ako.”

Bukod sa acting career, masipag talaga si Tonz dahil may negosyo siyang Tonz Tapsilogan at nakatakdang magbukas ng kanyang Milk Tea business. Ang kanyang Artizent Perfumes naman ay may launching din very soon sa selected malls.

Si Tonz din ay tumutulong bilang mentor at acting coach sa mga bata sa Binangonan, Rizal sa kanilang acting workshop ng Daydreamer Production.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …