Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pantawid ng Pag-ibig NG ABS-CBN, naghatid-tulong na rin sa ilang probinsiya

NAGSIMULA na ring maghatid ng tulong ang kampanyang Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN sa mga malalapit na probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ngayong linggo para sa ating mga kababayang lubos na naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

 

Ibinahagi ng Kapamilya news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang magandang balitang ito noong Abril 7 sa TV Patrol, na patuloy na nagdadala ng pinakabagong balita at impormasyon sa mga Filipino ukol sa Covid-19.

 

Simula nang inilunsad ang Pantawid ng Pag-ibig noong Marso 19, nakaikot na ang ABS-CBN ‪sa 17 lungsod at bayan sa Metro Manila para maghatid ng mga pagkain at pangangailangan sa araw-araw na siya namang ihahanda at ipamamahagi sa mga pamilyang nangangailangan sa pangunguna ng mga local government unit (LGU).

 

Nakapagdala na ang ABS-CBN ng mga produkto tulad ng bigas, delata, noodles, biskwit, gatas, kape, shampoo, sabon, detergent, at bitamina sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, at Valenzuela.

 

Noong Abril 7, umabot na sa P324.5-M ang nakalap na donasyon ng  Pantawid ng Pag-ibig. Mula rito, P265.7-M ang nagamit na sa pagbili ng mga produkto. Sa ngayon, P134-M halaga ng produkto na ang naipasa sa mga LGU upang ipamahagi sa kanilang nasasakupan.

 

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa tiwala at suporta ng mga Kapamilya na patuloy na nagmamalasakit sa kapwa Filipino lalo na sa panahong ito. Pinasasalamatan din ng network ang pakikiisa ng LGUs, Armed Forces of the Philippines, at mga pribadong kompanya na katuwang sa pagtulong sa mga Filipinong nawalan ng hanapbuhay at hirap kumita habang sumusunod sa bilin ng gobyernong manatili sa loob ng bahay upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

 

Bukod sa Pantawid ng Pag-ibig, nakapaghatid na rin ng tulong ang ABS-CBN sa 57 ospital na nangangailangan ng mga kagamitang medikal at pamproteksiyon sa kanilang patuloy na pagkalinga sa mga nagkakasakit.

 

Sa mga gusto tumulong, magdeposito lang sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.-Sagip Kapamilya bank accounts: BPI peso account 3051-11-55-88, Metrobank peso account 636-3-636-08808-1, PNB peso account 1263-7000-4128, BDO peso account 0039301-14199, at BDO dollar account 1039300-81622. Maaari ring magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier, PayPal, Pass it Forward, at GCash.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …