Friday , December 27 2024

Mika dela Cruz, nagtayo ng donation website

PATULOY ang pagtulong ng Kapuso artist na si Mika dela Cruz sa mga kababayan niya sa Malabon at sa mga frontliner laban sa Covid-19.

 

Sunod-sunod ang pamimigay niya ng relief goods sa mga apektado ng pandemic at mga kapuspalad. Sa panibagong paraan, inilunsad naman ni Mika ang crowdfunding website na tinawag niyang SHARE THE CARE (PPE for our FRONTLINERS) na puwede ang sino man na gustong magbigay ng tulong pinansiyal para sa pagbuo ng ‘care pieces.’

 

Ibinahagi ni Mika na inabot siya ng ilang linggo para itayo ang Our  CARE PIECES na binubuo ng CARE MASKS/CARE SHIELDS/ CARE SUITS na ipamamahagi sa mga piling ospital/medical centers sa Metro Manila.

 

“Our in-house team is capable of producing these pieces everyday. It would be great and much-appreciated if you can help us fulfill our mission by funding some of the said CARE PIECES! The more funds we raise, the more PPE’s we can donate and the more medical practitioners we can help!”

 

Pinaalalahan niya ang mga tao na magsama-sama para muling bumangon mula sa pagsubok na ito.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *