MARAMI sa mga tsikiting ang napaaga ang summer vacation dahil sa Covid-19. Mayroon din namang mga estudyante na online ang schooling o may mga special schoolwork na ipinagagawa ng kanilang mga paaralan.
At dahil may enhanced community quarantine, stay at home ang mga bata. Problema tuloy ng magulang ay paano sila hindi mabuburyong. Mabuti na lang may mga mapapanood sila sa TV na kahit ‘di literal na nagtuturo ang mga host ay tiyak na kapupulutan ng bagong kaalaman.
Thankful ang mga magulang sa mga Kapuso show tulad ng AHA!, Born to be Wild at iBilib dahil hindi lang entertaining ang mga ito, informative pa.
Ang AHA! nga, may AHA!: Cartoon Fest! na ipinalalabas nila ang iba’t ibang kuwento na bida ang mga hayop, mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng bundok, bulkan at mga likas na pangyayari sa kalikasan.
Kabilang sa mga kuwentong gagamitan ng animation ay ang Kung Bakit Umaalulong ang mga Aso, Alamat ng Bulkang Taal, at mga orihinal na kuwento tungkol sa isang lumang school bus, sa pinagmulan ng mga nunal, at ang pinaikling bersiyon ng popular na librong Sandosenang Sapatos ni Dr. Luis Gatmaitan.
Sana nga ay patuloy na magpalabas ng mga ganitong programa ang Kapuso Network para kahit stay at home sila with the kids, kampante ang mga magulang na may natututuhan pa rin ang kanilang mga anak.
Rated R
ni Rommel Gonzales