PATULOY ang pag-arangkada ng mga social media account ng GMA Public Affairs. Ang Facebook page pa lang nito, umabot na ng 2.5-M likes as of this writing. Mayroon na rin itong close to 3-M followers.
Hindi naman ito nakapagtataka dahil pagdating sa mga online paandar, nangunguna ang GMA Public Affairs. Ang alam nga namin mayroon ng more than 44-M followers ang GMA Public Affairs across all its social platforms. Hindi kasi nawawalan ng bagong pakulo ang mga official social media page nila.
Nakare-relate ang mga netizen habang nagiging updated pa sila sa mga kaganapan sa loob at labas ng bansa lalo na ngayong buong mundo ay apektado ng Covid-19. Mahusay din ang Facebook page ng Kapuso sa pagpo-promote ng mga programa produced by Public Affairs. Hindi nga ba’t marami na itong video na may million views agad?
Keep up the good work, mga Kapuso!
Rated R
ni Rommel Gonzales