Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vigan Mayor Juan Carlo Medina, puwedeng ihilera kina Isko at Vico

MARAMING local officials ngayon ang nakita ng madla ang tunay na galing at tugma sila para tawaging public servant talaga. Isa na rito ang Vigan Mayor na si Juan Carlo Medina na ang kasipagan at pagiging tunay na public servant ay kapuri-puri.
Maihahalintulad si Mayor Juan Carlo sa sipag at dedikasyon nina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig Mayor Vico Sotto. Although ang masasabing kaibahan lang ng tatlong mayors na ito, high profile ang dalawang naturang celebrity mayors ng Metro Manila. Samantalang si Mayor Juan Carlo ng Vigan ay simple lang at tahimik kung magtrabaho para sa kanyang mga mahal na constituents.
Very inspiring ang FB post ni katotong Chuck Gomez ukol sa magandang lalawigan ng Vigan at ang nangyayaring bayanihan dito sa pamumuno ni Mayor Juan Carlo Medina para sugpuin ang Covid 19.
Post ni Chuck sa kanyang FB: “Magandang Balita naman — nakakatuwa ang Bayanihan sa Vigan — sa gitna ng krisis at pangamba may Pagasa — sama sama ang buong Vigan sa maayos at mapayapang paglaban sa covid19 — walang pulitika, walang agenda — malasakit lang sa isa’t-isa.
Taimtim na Panalangin ng Vigan ay malagpasan ng Pilipinas at ng buong mundo ang pagsubok na dulot ng covid19 sa Awa at Tulong ng Panginoon. Tularan natin ang Vigan! Magwawagi ang Pagmamahal natin sa isa’t-isa.
Dito’y nag-comment naman si Ms. Rhea Tan nang: “Yes! Jan ako pinanganak mamshie. Super proud. Napakaganda ng Vigan. Malinis. Mababait mga tao. Disiplinado ❤️🥰 Tara na ! Uwi na tayo ulet! After Covid 😁

Family friend pala ni Ms. Rhea ang masipag na Mayor ng Vigan. Mahiyain daw ang 36 year old na mayor ng Vigan, pero isa siyang dedicated na public servant.

Nang maka-chat naman namin si Ms. Rhea, nabanggit niyang kapuri-puri ang ginagawa ng kanyang kababayan. “Kasi tahimik ang mayor, pero super-work talaga. Working mayor siya, ayaw ng publicity, actually. Quiet lang si mayor, simpleng tao, pero commendable ang ginagawa niya para sa Vigan,” saad pa n Ms. Rhea.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …