MINSAN pang nagpakita ng generosity at kabaitan ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan nang nagpa-auction siya ng branded items para i-donate sa charity at patuloy na mamahagi pa ng tulong sa marami.
Last April 4 ay nagpa-auction siya ng iba’t ibang branded items na ang ilan ay brand new pa. Mula rito ay maraming nabigyan ng ayuda lalo na sa frontliners.
Kabilang sa pina-auction ng masipag na misis ni Sir Sam Tan ang mamahaling alahas, rolex watch, signature bags, shoes, sun glasses, perfumes, dresses, at marami pang iba.
Last April 7 naman ay ito ang post ni Ms. Rhea sa kanyang FB:
Magandang hapon po!!!
Packing your paid items na!!!
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbid!!
Naiabot kona po sa iba ang payment nyo,
Also namimili na din ang aming team ng pangrelief natin,
All of the collection proceeds , as in 100 % from this auction will proceed to some of my chosen charities and homeless communities.
Kaya salamat po !! Sharing this to inspire others , na kahit malaki man o maliit ay pwede tayong makatulong sa ting mga kapatid .
#ContriBeauT po tayo . No one has ever become poor by giving.
God bless us all! And Yes, this too shall pass. Amen
🏼
🏼
🏼Sa mga nagbid po at bayad na, dito na po napunta iba
pinambili natin bigas
️
️
🏼 Salamat po!!
Kabilang sa ipinamigay nina Ms. Rhea mula sa proceeds ng auction niya ay faceshields, n95 masks, bigas, canned goods, cooked meals, alcohol, at iba pa.
Actually, bago pa man nagpa-auction si Ms. Rhea ng kanyang mga mamahaling gamit ay tumutulong na siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang pangangailangan ng frontliners na definitely ay mga bagong bayani sa crisis na nangyayari ngayon.
Sa second auction naman niya ng Luxury For A Cause, nakabili na sina Ms. Rhea ng first batch ng ayuda ng 400 pcs. ng PPE surgical gowns.
Dahil sa kabaitan ni Ms. Rhea, di nakapagtatakang pati mga kasama sa BeauteDerm family ay nahawa na sa kanya at gumagawa ng kani-kanilang sariling ayuda para makatulong sa mga nangangailangan.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio