Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Live harana nina Jeric at Derrick sa frontliners, matagumpay

MATAGUMPAY ang idinaos na online concert ng Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Derrick Monasterio noong Linggo! Live na nang-harana ang dalawa para makalikom ng donasyon para sa Covid-19 frontliners sa Healing Hearts session ng GMA Artist Center.

Mainit na tinanggap ng viewers sa social media ang patikim ni Jeric sa kanyang bagong single na Line to Heaven at sa madamdaming pagkanta ni Derrick ng mga Broadway at Opera hits.

Ayon kay Jeric, masaya siyang ibahagi ang kanta, “So, I’m proud na i-share ‘yun sa kanila, na may bago akong single and ‘yung nga, roon pa sa ‘Healing Hearts’ para makatulong sa mga kababayan natin.”

 Dagdag naman ni Derrick, kahit na nabigla siya sa mga request ng fans, nag-enjoy naman siya,

“Kasi usually ang ginagawa ko ‘pag nagko-cover ako ina-adjust ko ‘yung pitch eh. So, ‘pag may request, ‘pag live mong gagawin, minus one, minsan mataas.

 “So minsan mid-song babati ka muna.”

 Isinasagawa ng GMA ang Healing Hearts bilang online benefit concert upang makalikom ng donasyon ang Kapuso Foundation para sa mga kababayang apektado ng Covid-19 crisis.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …