Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jace Roque, umaariba ang career; nagbabalik sa kanyang Forever

UMAARIBA ang career ng top EDM artist na si Jace Roque. Matapos ang tagumpay ng kanyang single na Day and Night (na umabot sa No. 8 sa iTunes Philippines at napasama sa iba’t ibang Spotify playlists), nagbabalik si Jace sa pamamagitan ng bago niyang awitin, Forever.

Espesyal ang kantang ito kay Jace dahil ito ang kauna-unahan niyang Taglish single. Lahat ng mga nakaraan niyang single—kasama na ang Day and NightLOVE, at Sober, ay nasa wikang Ingles. Napagpasyahan niyang subukan ang gumawa ng isang Taglish na kanta, at nagustuhan niya ang resulta ng eksperimento niya. Inaasahan ni Jace na magugustuhan din ito ng madla.

Ani Jace, ang Forever ay matatawag na multi-genre na kanta. “It blends dance, EDM, hip-hop, Latin, pop, R&B, and reggae into one cohesive sound, but it’s still on brand with my identity and style as an artist. I always incorporate different genres into my songs, but this is the most musically diverse of all my releases.”

Lyrically, ang bagong kanta ni Jace ay tungkol sa paniniwala niya na dapat kontrolado nating lahat ang kapalaran lalo na pagdating sa pag-ibig. Aniya, hindi natin dapat iasa lamang sa destiny o fate ang mga love life natin.

“A lot of people believe that if it’s meant to be, it will be,”anang singer-songwriter. “But the truth is, you can’t just dream about forever. You’ve got to work hard to earn it.”

Alam ni Jace ang sinasabi niya. Sa huli niyang relationship, ginawa niya ang lahat para magtagal sila ng nobya niya. Sa kasamaang palad, nag-break din silang dalawa.

“I can’t really say too much about it, because I don’t want to be unfair to the other person. But on my end, I really tried to make things work. That’s the kind of guy I am when I’m in a relationship. I don’t give up easily, and I always acknowledge my shortcomings and strive to be the best version of myself,” sambit pa ni Jace.

Sa ngayon, nakatutok siya sa kanyang music career pero bukas naman siya sa posibilidad na magmahal muli.

“I still hope to find someone who can make me believe that nothing is impossible and that forever is just a moment away,” ani Jace. “I’m not too picky. I just want someone who’ll love me for me. But who knows, love moves in mysterious ways. I might not have the same mindset when I finally find that person. I’m just hoping that when I do, it’s a match made in heaven.”

Matagal na si Jace sa showbiz. Isa siyang independent artist na walang backing ng major record label o management team, kaya nakabibilib na malayo na ang narating niya. Sa ngayon, umani na ang mga kanta niya ng 1.5 million total streams across all platforms. Patunay na talagang masipag at talented si Jace (siya mismo ang arranger, producer, at writer ng sarili niyang materyal).

Ipinaglaban niya ang mga nakaraan niyang kanta, at handa si Jace na ipaglaban ang Forever niya. Sa ngayon, may isa nang malaking achievement ang bago niyang kanta—agad itong napasama sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.

“Longevity is something that I’m working really hard to achieve. I’m now on my 12th year in the industry, and all the hard work and perseverance I’ve put in is no joke. It can be tiring at times, but I always remind myself why I wanted to pursue music in the first place. It’s because I just want to express myself. I’ve always been a very artistic person, and I don’t see myself doing anything else with my life,” giit pa ni Jace.

Dahil sa attitude niyang ‘yan, tiyak na Forever na siyang magiging bahagi ng OPM industry.

Para sa Forever niyang kanta, i-download at i-stream sa mga link na:

Apple Music/iTunes: https://smarturl.it/JRFOREVERiTunes

Spotify: https://smarturl.it/JRFOREVERSpotify

All stores: https://smarturl.it/JaceRoqueFOREVER

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …