Monday , November 25 2024

FDCP, may ayudang P5k sa freelance entertainment press na apektado ng Covid 19 

ISANG linggo na ang lumipas mula nang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program upang matulungan ang audio-visual (AV) content industry stakeholders na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Nang dahil sa COVID-19, ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon at idineklara ang state of calamity sa buong bansa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Binuo ng FDCP, na nasa ilalim ng Office of the President, ang DEAR Program bilang agarang pagtugon sa COVID-19. Isasakatuparan lamang ang DEAR kapag nagdeklara ng state of calamity ang Pangulo dahil may malubhang sakuna o emergency sa pampublikong kalusugan. Ang DEAR ACTION! at DEAR PRESS! ang dalawang programa sa ilalim ng DEAR. Ang DEAR ACTION! (For Displaced Freelance AV Workers) ay inilunsad noong Marso 23. Layunin nitong magbigay ng P8,000 na tulong pinansyal sa freelance AV content industry members na biglaang nakansela o napatigil ang trabaho dahil sa COVID-19. Kabilang dito ang technical crew, production/post-production staff, mga on-camera performer tulad ng aktor, dubber, stunt people, at iba pang creatives na walang direktang employer, binabayaran ng per day basis, at hindi kuwalipikado sa mga benepisyo mula sa gobyerno.

Noong Marso 30, inilunsad ng FDCP ang DEAR PRESS! (For Displaced Freelance Entertainment Press) para sa freelance entertainment press workers tulad ng editors, writers, at reporters na biglaang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Ayon kay FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “Napaka-crucial ng role na ginagampanan ng entertainment press para buhayin at bigyang kulay ang ating showbiz industry. Sila ang tagapaghatid ng mga nangyayari sa loob at labas ng showbiz para sa ating mga audience. Unfortunately, they too, belong to the freelance sector and cannot be afforded unemployment benefits. So in line with DOLE’s CAMP Program which provides unemployment assistance for employees, FDCP has created DEAR ACTION! and DEAR PRESS! to support the freelancers who are not covered by the CAMP Program.”

 

Ang DEAR PRESS! Program coverage ay sa National Capital Region at para ito sa mga may no work, no pay status, hindi kaanib sa isang kompanya, at ‘di kuwalipikadong tumanggap ng mga benepisyo sa kanilang lokal na pamahalaan at mga institusyon ng gobyerno gaya ng DOLE, SSS, DTI, at DSWD. Ang mga aprubadong DEAR PRESS! na aplikante ay makatatanggap ng P5,000 bilang tulong pinansyal mula sa FDCP para makatulong sa kanilang gastusin sa gitna ng pambansang state of calamity. Ang DEAR PRESS! application period ay mula Marso 30 hanggang Abril 30, 2020.

 

Heto ang DEAR PRESS! Program requirements: 1. Kompletong National Registry for Entertainment Press (NREP) at DEAR PRESS! Application Forms, 2. Kahit na anong patunay ng kita (income tax return, payslips, vouchers, etc.) o Press ID, 3. Certificate of Engagement mula sa publisher, editor, o media publication, 4. Kopya o link ng kahit isang pinakabagong published article tungkol sa Philippine Showbiz/Entertainment Industry (mula Enero 2020 hanggang Marso 2020) o kahit na anong published article tungkol sa isang press event na sponsored o sinuportahan ng FDCP (mula 2019 hanggang 2020).

Ang aplikasyon ay kailangang ipadala online sa FDCP National Registry ([email protected]). Kapag naaprubahan ang aplikasyon, idedeposito ng FDCP personnel ang P5,000 sa bank account ng benepisyaryo o ipapadala ito sa pamamagitan ng money remittance service. Dahil ang DEAR fund ay pondo ng gobyerno para sa kapakanan ng mga benepisyaryo, kailangan ng mga aprubadong aplikante na gumawa ng return service sa diwa ng pagbibigay serbisyo sa komunidad at AV content industry. Ang mga DEAR PRESS! na benepisyaryo ay kailangang sumali sa dalawang (2) kaganapan, aktibidad, o proyektong pinamumunuan o sinusuportahan ng FDCP sa loob ng dalawang (2) taon simula ng pagtanggap ng DEAR PRESS! tulong pinansiyal.

Samantala, ang mga miyembro ng entertainment press na apektado ng COVID-19 at kabilang sa payroll ng isang kompanya (bilang regular, contractual, seasonal, o project-based na empleyado), ay maaaring sumangguni sa mga DOLE assistance program na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). Maaari rin nilang tignan ang mga assistance program ng SSS, DTI, Department of Finance (DOF), at kanilang mga lokal na pamahalaan.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa http://fdcp.ph/dear-program at sa FDCP National Registry Facebook page (http://www.facebook.com/FDCPNationalRegistry). Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa FDCP National Registry sa pamamagitan ng e-mail ([email protected]) o text messaging sa +63 917 800 3227.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *