Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klea Pineda

Klea Pineda, miss nang magtrabaho

HABANG nag-eenjoy ang ilan sa pagpapahinga sa kani-kanilang tahanan simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong nakalipas na linggo, ibinahagi naman ni Kapuso star Klea Pineda na miss niya na ang magtrabaho.

 

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng Magkaagaw star na hindi ito sanay na nasa bahay lamang kaya nami-miss nang umarte sa telebisyon.

 

Sa kabila ng kinakaharap na krisis ng buong mundo, pinaalalahanan pa rin ni Klea na maging positibo ang lahat.

 

“Looking at the brighter side of this quarantine… we get to spend more time with our loved ones, nakatutuwa na sabay-sabay kaming kumakain sa hapag kainan.

 

“Matagal ko na rin silang hindi nakakasama dahil nasa trabaho ako,” saad ng dalaga.

 

Sinang-ayunan naman ng netizens ang pahayag ni Klea at kahit miss na rin nila ang mga kapana-panabik na eksena sa top-rating GMA series na Magkaagaw, mabuti rin na gamitin ang pagkakataong ito para makipag-bonding sa family.

 

Samantala, pansamantalang mapapanood ang highest rating daytime teleserye na Ika-6 Na Utos bilang kapalit ng Magkaagaw tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …